Kabilang ang Manila Water sa mga kumpanyang nagpahayag ng patuloy na suporta sa mga pinuno ng iba’t ibang industriya na bumubuo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ng Mandaluyong sa isang pulong na ginanap kamakailan na dinaluhan rin nina Konsehal Jesus Cruz at Charisse Abalos. Muling inilatag ng Manila ang mga proyekto nito sa tubig at sanitasyon bilang mahahalagang bahagi upang isulong ang higit na pag-unlad ng Mandaluyong. Dumalo sa nasabing pulong ang mga kinatawan ng Manila Water Mandaluyong Business Area na sina Jose Jay Nicolas at Edna Aguirre.
Posted by: Freda Migano