May kabuuang P3.6- Milyong Pisong halagang natapos ng ibat-ibang proyektong pang-imprastraktura ng Department of Agrarian Reform o DAR ang pinakikinabangan na ngayon ng mga magsasaka at mga residente sa bayan ng Polomolok sa lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer o PARPO Felix C. Frias, kabilang umano rito ang natapos ng mga kanal sa tabing kalsada ng mga Barangay ng Magsaysay, Poblacion, Lapu, Upper Klinan at Barangay Polo.
Kasama rin umano rito ang multi-purpose buildings sa Barangay Glamang at Silway 8, potable water system at intake tank sa Barangay Cannery Site, submersible pump at pagsasaayos ng school stage sa Klinan 6, pagsisimento ng kalsada sa Lumakil at kuntruksiyon ng solar dryer sa Barangay Bentung.
Ang naturang proyekto ay ipinatupad sa ilalim ng PAyapa at MAsaganang pamayaNAn o PAMANA program ng pamahalaan na dinisenyo para bigyang daan ang kapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad na apektado ng di pagkaka-unawaan na sakop ng mga umiiral na kasunduang pang-kapayapaan.
Posted By: Edrillan Pasion