Pinangunahan ng pamahalaang lokal ng Quezon City kasama ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Manila Water ang ika-tatlumpu’t walong pagdaraos ng Camp Pag-ibig na ginanap kamakailan sa Balara Filters Compound.
Ang taunang programa ay dinaluhan ng 3,000 special children. Kasama sa mga programang hinanda ay may kaugnayan sa sining, water lectures at interactive handwashing demo na pinangunahan ng mga empleyado ng Manila Water.
Napili ang temang “Evolving Capacity with Family and Community Participation” para sa nasabing programa na sinuportahan din ng Department of Education–Special Education, Philippine Association for the Retarded at Junior Chamber International, isang samahan ng mga aktibong mamamayan mula sa higit na 100 bansa sa buong mundo..
Si Ruel Maranan, Group Director ng Corporate Human Resources ng Manila Water ang tumanggap at nagbigay ng paunang-bati sa mga sumapi sa dalawang-araw na Camp Pagibig, kasama rin si 3rd District Representative Jorge “Bolet” Banal Jr. at iba pang mga kinatawan ng lokal na pamahalaaan ng lungsod ng Quezon.
Posted by: Freda Migano