Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Pnoy mas praning kay Gloria: Paglikha ni Pnoy sa Presidential Task Force TRASMA vs Transport Strike at Mass Action kinondena ng PISTON

 

Mariing binatikos ng militanteng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) si Pangulong Noynoy Aquino sa paglikha nito sa Memorandum Circular # 18 na naglikha sa Presidential Task Force on Transport Strike and Mass Action na pamumunuan ni MMDA Chairman Francis Tolentino bilang direktang kinatawan ni Pangulong Aquino sa naturang Task Force. Ito ay matapos ihayag kahapon ng Malacanang ang pagtatatag ng naturang Task Force na kabibilangan ng ibat ibang sangay ng gobyerno kabilang na ang Armed Forces of th Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

 

Sinabi ni George San Mateo, Secretary General ng PISTON na ang paglikha ni Pangulong Aquino sa naturang Presidential Task Force ang konkretong nagpapatunay na naging matagumpay ang isinagawang Transport Strike ng PISTON noong September 19 upang igiit ang pag-alis sa overpricing sa langis, pagpapatupad ng Big Time P9 rollback at pagbasura sa Oil Deregulation Law at 12% EVAT sa langis.

 

“Nangangahulugan lang na pag-amin ito ng gobyernong Aquino na naging matagumpay ang Transport Strike noong September 19 kaya naman sa sobrang praning  ng administrasyong Aquino ay naglikha pa ito ngayon ng isang Presidential Task Force para supilin at dahasin ang mga transport strike at kilos protesta na maaring isagawa muli ng mga tsuper at mamamayan na ang tanging hangad lang ay maipagtanggol ang kanilang kapakanan, kabuhayan at karapatan laban sa walang humpay na oil price hikes at overpricing sa produktong petrolyo na lalong nagpapalobo sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo,” pagdidiin ni San Mateo.

 

“Lumilitaw na mas praning pa ang administrasyong Aquino kaysa sa nakaraang gobyernong GMA pagdating sa mga transport strikes. Ni hindi ginawa ng mga nakaraang administrasyon ang ganitong paglilikha ng Task Force sa layuning supilin at dahasin ang mga transport strikes na maaring ikasa sa hinaharap. Dahil naobligang kilalanin ng mga nagdaang gobyerno ang pagsasagawa ng mga transport strikes dahil ito ay makatarungan dahil ipnaglalaban lamang ng mga driver at mamamayan ang kanilang kabuhayan at karapatan kontra sa walang-tigil na oil price hikes at overpricing sa petrolyo,” pahayag pa ni San Mateo.

 

Iginiit pa ni San Mateo na ang pagtatatag ng Presidential Task Force TRASMA ay nagpapakita na ang gobyernong Aquino ay ang numero-unong kasabwat at tagapagtanggol ng dayuhang monopolyong kartel sa langis dito sa Pilipinas kaya naman desperado ang administrasyong Aquino na maipagtanggol ang interes ng Kartel sa pamamagitan ng naturang Task Force upang masupil ang mga transport strikes at mass actions na tumutuligsa sa pagsasamatala at overpricing ng Kartel sa Langis.

 

Binigyang-diin din ni San Mateo na garapalang paglabag sa Saligang Batas ang paglikha ni Pang. Aquino sa Presidential Task Force TRASMA. Aniya, tahasang paglabag ito sa  batayang karapatan ng mamamayang Pilipino partikular sa Artikulo III (Bill of Rights), Section 4 ng 1987 Philippine Constitution na nagsasaad na “No Law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”

 

“Nakakalungkot isipin na si Pangulong Noynoy Aquino pa mismo ang numero-unong lumalabag sa 1987 Constitution na itinatag sa panahon ng panunungkulan ng kanyang ina at namapayapang  dating Pangulong Cory Aquino matapos bumagsak ang diktadurang US-Marcos sa pamamagitan ng Pag-aalsang EDSA 1 nung 1986 na kung saan nakipaglaban ang mamamayang Pilipino sa pang-aabuso ng diktadurang US-Marcos sa mga batayang karapatan ng mamamayang Pilipino,” pagsasaad pa ni San Mateo.

 

“Sa halip na seryosong aksyunan at tugunan ni Pangulong Aquino ang kahilingan ng mga driver at mamamayan ay panunupil at pandarahas ang nais gawin ng kasalukuyang gobyerno. Bakit sa haip na habulin, imbestigahan at parusahan ng gobyernong Aquino ang Big 3 Oil Cartel sa pagsasamantala at overpricing nito ay ang mga driver at mamamayan ang nais supilin at dahasin sa pamamagitan ng Presidential Task Force TRASMA na itinayo nito?,” pagdidiin pa ni San Mateo.

 

“Nagkakamali si Pangulong Aquino kung inaakala niyang masisindak ang mga driver at mamamayan sa Task Force na kanyang nilikha. Hanggat hindi konkretong kumikilos si Pang. Aquino para pigilin ang oil price hikes at alisin ang overpricing sa paetrolyo gayundin ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at EVAT sa langis, ay patuloy na magsasagawa ng mga kilos-protesta ang mga tsuper at mamamayan kabilang na ang pagkakasa ng mga transport strikes.” paliwanag pa ni San Mateo.

 

Nananawagan si San Mateo sa lahat ng mga drivers at mamamayan na tutulan at labanan ang pagtatatag ni Pangulong Aquino ng Presidential Task Force TRASMA. Aniya, ang Presidential Task Force TRASMA ay maitutulad sa mga mapanupil na instrumento ng Martial Law ng diktadurang US-Marcos gaya ng Presidential Commitment Order (PCO) at Presidential Detention Action (PDA) na sumupil at nangdahas sa mga transport strike, welgang bayan at mga kilos-protesta na isinagawa ng mga tsuper, manggagawa at mamamayan noong panahon ng diktadurang US-Marcos.

 

Nanawagan din si San Mateo sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan at Senado na imbestigahan ang pagtatatag ni Pangulong Aquino ng Presidential Task Force TRASMA.

Ayon pa kay San Mateo, balak nilang makikipagkonsultasyon sa mga human rights organizations at mga human rights lawyers partikular sa KARAPATAN Human Rights Alliance at National Union of People’s Lawyers (NUPL) upang pag-aralan ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa Korte Suprema upang mapa-basura at ma-deklarang unconstitutional ang paglilikha ng Presidential Task Force TRASMA

 

Magpa-plano din aniya ang PISTON ng mga kilos-protesta kasama ang iba pang transport groups at people’s organizations upang hilingin ang pagbabasura sa naturang task force at sa halip ay solusyunan na ng gobyernong Aquino ang walang-tigil na oil price hikes at overpricing sa presyo ng langis gayundin ang pagbuwag sa Oil Deregulation Law at VAT sa langs. George San Mateo, Secretary General, Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON)

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...