Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

DA pamumunuan ang “Consumer Welfare Month”, kasapatan sa pagkain nakatuon ang pagdiriwang

Pamumunuan ng Kagawaran ng Pagsasaka ang kasalukuyang taon na pagdiriwang ng “Consumer Welfare Month”, na magaganap mula Oktubre 4-6, 2011. Nakatuon sa pagdiriwang   ang patuloy na programa sa pansariling kasapatan sa pagkain at maibigay ito  sa mga mamimili na ligtas at sa abot-kayang halaga .

Sa pakikipagtulungan ng DA sa  National Consumer Affairs Council (NCAC), inaasahan  na may 300 mga partisipante  na mga kinatawan mula sa mga ahensya ng gobierno at ng pribadong sector ang dadalo  at makilahok  sa mga aktibidades o mga kaganapan na inihanda ng Agribusiness and Marketing Assistance Service sa pamumuno nina   Assistant Secretary Salvador S. Salacup at Director Leandro H. Gazmin.

Ayon kay kalihim Proceso J. Alcala , ang paksa ng pagdiriwang ngayong taon na,  “Sapat, Ligtas, at Abot-Kayang Pagkain Para sa Lahat”, ay tugma upang itampok ang kasapatan sa pagkain na programa ng Kagawaran ,  at maibigay  ito sa mga mamimili na  ligtas at de kalidad.

Ito ay pangatlong taon na pagdiriwang na ang DA ang punong abala,at makakasama nito ang  Department of Trade and Industry (DTI),at  Department of Health (DOH), dagdag ng kalihim.

Ang Consumer Welfare Month ay ipinagdiriwang bawat taon sa buwan ng Oktubre sa atas ng  Presidential Proclamation 1098 na inilabas noong 1997. Pinasimulan ito ng  NCAC , at nilikha ang  Republic Act 7394 o ng  Consumer Act of the Philippines (Batas ng mga Mamimili o Konsyumer ng Pilipinas) upang mapagbuti ang pangangasiwa, pag-uugnayan at pagkamabisa ng mga programa ng mga konnsyumer ng iba’t-ibang ahensya ng gobierno.

Maliban sa mga binanggit ng kalihim na mga ahensya na kasapi ng NCAC , kasama rin ang  Department of Education, Environment and Natural Resources, Energy, at Transportation and Communication. Kasama din sa Konseho (Council) ang apat na kinatawan ng mga  consumer organizations, at dalawang kinatawan mula sa sector ng pagnenegosyo at industriya.

Layunin ng taunang pagdiriwang ng CWM  ang maikintal sa kamalayan ng mga konsyumer o mamimili ang kalidad at ligtas na pagkain; ipaalam ang mga programang pangkonsyumer ng gobierno; ang maipamulat sa mga konsyumer ang kanilang mga karapatan ; para sa adbokasiya ng Consumer and Price Acts ; at pagsamahin ang mga usapin o mga alalahanin na nakaapekto sa mga mamimili.

Upang maabot o makamit ang mga nasabing layunin,  ang mga aktibidades na magaganap sa ngayong taong pagdiriwang ay isang pormal na progama sa pagbubukas ng ngayong taong selebrasyon, eksibit at mga pagtitinda mula Oktubre 3-7, mga gaganaping seminars, at may isang buwan na mga aktibidades na may kaugnayan sa konsyumer na ginaganap sa iba’t-ibang rehiyon (RFUs), sa mga pangasiwaan at mga kaagapay na  ahensya ng DA.

Ang  National Steering Committee sa  mga nabanggit na kaganapan ay pinamunuan nina Bb. Velma Lim, NCAC na siyang chairperson, kaagapay sina DA Assistant Sec. Salacup at AMAS Director Gazmin. DA Information Service

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...