Feature Articles:

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....

Sa ika-anim na anibersaryo ng pagpaslang kay Ka Fort Patuloy ang laban para sa katarungan at kabuhayan ng mga manggagawa ng Nestle

Sa ikaanim na anibersaryo ng pagpaslang ng kapitalistang Nestle sa lider-manggagawang si Kasamang Diosdado “Ka Fort” Fortuna, nagpupugay ang pambansang tanggapan ng Kilusang Mayo Uno sa mga manggagawa ng Nestle sa ilalim ng United Filipro Employees-Drug, Food and Allied Services’ Federation-Kilusang Mayo Uno (UFE-DFA-KMU) sa magiting na pagpapatuloy ng laban para sa hustisya at kabuhayan. 

Ito ay laban hindi lang para sa mga manggagawa na patuloy na pingsasamantalahan ng kapitalistang Nestle sa bansa at buong mundo kundi sa buong uring manggagawa.

Patuloy ang pambubusabos ng Nestle sa mga manggagawa at mamamayan. Mahigit siyam na taon na simula nang itindig ng mga manggagawa ng Nestle ang welga. Hanggang ngayon, lantaran pa ring naipagkakait ng Nestle ang mga karapatan at benepisyong matagal nang dapat ay natatamasa ng mga manggagawa.

Anim na taon na simula nang paslangin si Ka Fort para pahinain ang mahigpit na pagkakaisa ng mga manggagawa. Hanggang ngayon, wala pa ring katarungan para sa kanya.

Patuloy ang sabwatan ng kapitalistang Nestle at gobyerno sa ilalim ni Aquino. Malinaw sa kalagayan ng mga manggagawa ng Nestle na walang pagbabago simula kay Arroyo patungo kay Aquino. Hindi ang mga manggagawa at mamamayan ang amo o boss ni Aquino kundi ang dambuhalang dayuhan at lokal na kapitalista tulad ng Nestle na lantarang bumubusabos sa mga manggagawa.

Tulad ng pasistang rehimeng Arroyo, naging tagapagsalita ito para sa Nestle. Sa halip na tiyakin ang katarungan at ipatupad ang dalawang pinal na desisyon ng Korte Suprema na kumakatig sa mga manggagawa, nagsilbi itong ahente ng Nestle. Pinagtakpan nito  ang pagkakait ng katarungan ng Nestle sa pamamagitan ng panunuhol ng quitclaim.

Patuloy pang binibiyayaan ni Aquino ang mga ahente ng Nestle. Itinalaga nito bilang presidente ng SSS si Juan B. Santos, dating CEO at presidente ng Nestle Philippines, Inc. Patuloy rin ang paggamit ng militar ng sabwatang Aquino at Nestle para takutin ang mga manggagawang patuloy na lumalaban. Nakakanlong pa sa barangay hall ng Pulo sa Cabuyao ang mga itinambak na militar mula sa 202nd IB ng Philippine Army.

Patuloy ang paglaban sa panunupil, ang laban para sa katarungan at kabuhayan. Wala tayong maaasahan sa gobyernong Aquino. Patuloy ring ililibing ng mass media na instrumento ng kapitalistang Nestle ang ating mga lehitimong panawagan. Alam natin na nasa ating pagkakaisa, sama-samang pagkilos at direktang propaganda sa masa nakasalalay ang pagkakamit ng ating mga karapatan at ng katarungan.

Sa ngalan ng buong kasapian ng Kilusang Mayo Uno, muli kaming nagpupugay sa inyo, mga manggagawa ng Nestle sa inyong magiting na pakikipaglaban at di-matatawarang sakripisyo at paninindigan!

Hustisya para kay Ka Fort!

Katarungan para sa mga manggagawa ng Nestle!

Mabuhay ang mga manggagawa ng Nestle na patuloy na lumalaban para sa katarungan at kabuhayan!

Latest

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....

EdgePoint Philippines Secures Over 400 New Tenancies

Accelerates National Connectivity Initiatives in the Philippines  Milestone demonstrates the effectiveness...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

On Commemorating the First Kamikaze Flights in Mabalacat

“A grave insult to our nation and the victims...
spot_imgspot_img

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling linggo ng Oktubre, maraming mga pagsusuring nagawa tungkol sa mga kaganapan sa mundo na nagpapahiwatig...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty. Persida Acosta ang matagal nang kasunduan o Memorandum of Agreement ang National Press Club at...