ENDOWMENT FUND FOR ‘ENVIRONMENTAL HEROES’. Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon J. P. Paje (third from right) receives from Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque III (second from left) a facsimile of a check amounting to Php314,241.00, representing the proceeds from the In a R.A.C.E.(Responsive, Accessible, Courteous and Effective) to Serve Fun Run organized by the CSC to help families of DENR forest guards who died in the line of duty. Conducted last Sept. 4 at the grounds of the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay City, the Fun Run was participated in by close to 3,000 runners composed mostly of government employees to kick off the nationwide celebration of the 111th anniversary of the Philippine Civil Service. Paje said the DENR will put up an endowment fund for ‘environmental heroes’. Also in photo are (left to right): DENR Undersecretary Ernesto Adobo Jr.; CSC Director Myrna Macatangay; CSC Assistant Commissioner Anicia Marasigan-De Lima; DENR Assistant Secretary Corazon Davis; and DENR Undersecretary Demetrio Ignacio Jr.
SA ginanap na ‘Flag Raising Ceremony’ sa ‘compound’ ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong ika-14 ng Setyembre 2011 ay ipinagkaloob ng Komisyon ng Serbisyo Sibil sa pamamagitan ni Chairman Fracisco T. Duque III ang tsekeng nagkakahalaga ng Tatlong daan labing apat na libo at dalawang daan apat napu’t isang piso (P 314,241.00) na nalikom mula sa isinagawang R.A.C.E. (Responsive, Accessible, Courteous and Effective) to Serve Fun Run noong ika-4 ng Setyembre 2011 sa Philippine International Convention Center na dinaluhan ng ikalawang pangulo ng bansa na si Jejomar C. Binay sa pakikipagtulungan ng Philipine Sports Commission, lokal na pamahalaan ng Pasay, Metropolitan Manila Development Authority, Pasay City Police District, Small Business Guarantee and Finance Corporation, Cultural Center of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Information Agency.
Ang nasabing Fun Run ng Civil Service Commission (CSC) ay pasimula lamang ng mga nakahanay na gawain para sa pagridiwang ng ika-111 taong pagkakatatag ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas na nilahukan ng dalawang libo at walong daan at dalawampu’t dalawang (2,822) kawani ng gobyerno mula sa iba’t ibang sangay kasama ang ilang pribadong sector bilang pagkilala sa mga manggagawa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) na nagbuwis ng buhay maipagtanggol lamang ang inang kalikasan.
Isa sa sampung gagawaran ng parangal ng Serbisyo Sibil bilang “Dangal ng Bayan” ng taong kasalukuyan ay si Elpidio “Jojo” Malinao, Forestry Technician I o Forest Guard na nakatalaga sa Makiling Forest Reserve sa lalawigan ng Laguna. Samantala ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman (DENR) sa pamumuno ni Kalihim Ramon J. P. Paje ay nakatakdang magkaloob ng pinansyal na tulong sa mga pamilya na nag-alay ng buhay sa pagpapatupad ng nakaatas na tungkulin na tinaguriang ‘Environmental Heroes’ ng bansa.
Ang ibinigay na halaga na nalikom mula sa ‘Fun Run’ ng CSC ay ilalagak ng DENR sa ‘Trust Fund’ at magtatalaga ng isang grupo na mag-aasikaso para sa mga pamilya ng mga kawani ng kanilang ahensya na nasawi dahil sa atas ng katungkulan gayundin upang matiyak na ang mapapalawig ang ganitong uri ng programa para sa mga bayani ng kalikasan.
Samantala, hinimok naman ni Chairman Duque ang mga empleyado ng DENR na sumama sa susunod na taunang pagtakbo upang makamit ang sampung libong (10,000) makakasali sa 3K at 5K Fun Run at mapalaki pa ang maiipon na halaga para sa namatay na kasama nila na nanatiling tapat sa trabaho. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila