SA ginanap kamakailan (Setyempre 5, 2011) na pagkilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga samahang sibiko, mamamahayag, kapulisan at mga ‘Prosecutors’ kasama si Ben Figura, Brodkaster ng AFP-DWDD sa hanay ng mamahayag sa mga naging katuwang ng nasabing ahensya sa paglaban ng paggamit ng bawal na gamot.
Sa kasalukuyan, ang nasabing Brodkaster ay Pangulo rin ng Elliptical Press Corp na humihimpil sa DA Press Office. Bukod sa pagiging ‘Announcer’ at ‘Commentator’ ay matatandaan na taong 1998 pa nang maging magkasama sina PDEA Director General Jose “Sonny” Gutierrez at Ben Figura sa Rotary Club North Balintawak.
Kapwa isinulong ng dalawa ang iba’t ibang paraan ng serbisyong bayan tulad taunang pagsasagawa ng ‘Educational Tour’ kabilang ang San Jose High School sa Lungsod Quezon. Bago pa man umano naging pinuno ng PDEA si Gen. Gutierrez ay naging masidhi na ang kanyang bokasyon kontra droga at naging kasama sa mga labang ito si Ben.
Kinilala ng PDEA si Rotarian Figura sa hanay ng ‘media practioner’ bilang brodkaster ng programang “Misyon Aksyon Ngayon” na napapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes 11:30 hanggang 12:00 ng tanghali sa pagbibigay ng mga impormasyon sa kanyang segmentong “Magkasangga Kontra Droga” tuwing Miyerkoles ng kaparehong oras ng pagsasahimpapawid. Sa nabanggit na programa ay na pawang mga opisyal PDEA ang kanyang tagapagsalita upang ipaliwanag ang kasamaang dulot ng bawal na gamut sa katawan ng tao at kung paano maiiwasan ito. Inilalahad din ang pakikipagtulungan ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan sa PDEA katulad ng Bureau of Immigration.
Ayon kay Figura, nais niyang makamit ang tuwid na daan gamit ang kanyang propesyon upang maipalaganap ang mga programa ng pamahalaan lalo na sa paglaban sa bawal na gamot na itinuturing nyang salot sa bayan at ugat ng mga karumal-dumal na krimen sa bansa.
Panawagan pa rin Ben sa lahat ng sektor na dapat aniya na maging kaakibat sila ng pamahalaan sa layunin nitong tulungan ang mga mahihirap at hikahos na kababayan upang maipaabot ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng nilalayon ng mga Rotarian na tuwina’y may kaisipang “Rotary Serve Above Self”. Cathy Cruz, Pscijourn Mega Manila