Naniniwala ang Philippine National Red Cross (PNRC) na wala nang mas hihigit pang regalo sa naging pagbubuwis ng buhay ng Dakilang Lumikha para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Dahil dito, naninindigan si PNRC Chairman Senador Richard Gordon na wala nang hihigit pa sa karagdagan sa panahon sa buhay ng isang nilalang na madudugtungan mo sa pinakasimple at walang kasing dakilang paraan.
Ayon kay Chairman Gordon, ang pagkakaloob ng sariling dugo sa mga nangangailangan nito ang isa sa pinakaangkop na regalo na maaaring ibigay ng isang tao sa mga nangangailangan nito.
Magugunita na sa kabila ng patuloy na kampanya ng PNRC para sa malawakang pagbibigay ng dugo, kulang na kulang pa rin ang mga kusang loob na nagkakaloob ng kanilang dugo para sa kapakinabangan ng nakararami.
Ngayong sasapit ang araw ng Pasko o ang buwan ng pagbibigayan, naisip ng Red Cross na mas lalong paigtingin ang kampanya nito para sa boluntrayo, walang bayad at kusang loob na pagbibigay dugo.
Tunay na walang katumbas na anumang uri ng salapi ang makapagdugtong ka ng buhay
Bukod sa mapapaligaya mo ang mga kaanak at mga taong nagmamahal sa taong makakatikim ng ibinigay mong dugo, mararamdaman mo rin ang kakaibang pakiramdam na tanging mga taong itinanggi ang kanilang sarili para sa kapakinabangan ng iba lamang ang nakadadama.
Hindi mo man naiisip pero mula sa iyong ipinagkaloob na dugo, ilang dengue patients na nangangailangang masalinan ang pwedeng makinabang at maligtas sa peligro na dulot ng mapanganib na dengue fever.
Ilan ding kanser patients na nangangailangang maoperahan at isailalam sa matagalang gamutan ang maaaring mapahaba mo ang buhay.
Kaugnay nito, nais samantalahin ng Red Cross ang pagkakataon ngayong buwan ng Kapaskuhan para kumatok sa puso ng mga mamamayan na huwag nang maghinayang sa isang bag ng dugo na maaari nilang maipagkaloob ngayong Pasko.
Para sa karagdagang detalye kaugnay ang pagbibigay dugo maaari kayong makipag-ugnayan sa PNRC Blood Services sa numero bilang 527-0000 loc 103 o 106. Alexander Rosete, Communications Manager