Ang mga nanalo sa ginanap na Ikatlong Parangal at Pagkilala bilang ‘Marine Protected Areas’ ay ang Tabunan Marine Protected Area sa Barangay Malim, Tabina, Zamboanga Del Sur at Twin Rocks Marine Sanctuary sa Barangay San Teodoro, Mabini, Batangas na kapwa nasa pangatlong puwesto sa mga nagwagi. Samantala, ikalawang parangal naman ang nasungit ng Bangrin Mangrove Marine Protected Area sa Barangay San Miguel, Bani, Pangasinan at Bangaan Marine Sanctuary sa Barangay Tigbucay, Tungawan, Zamboanga Sibugay ang nakakuha ng pinakamataas na puwesto sa labing apat na lumahok mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang Marine Protected Areas Support Network (MSN) ay isang nagsama-samang grupo mula sa hanay ng pamahalaan, samahang sibika at institusyon ng edukasyon kung saan naglalayon na patuloy na paunlarin at pangalagaan ang mga anumang nilalang na nabubuhay sa tubig kasama ang nasa kapaligiran o nasasakupan nito.
Taong 2007 nang sinimulan ang pagkilala sa mga kababayan natin na naptunayan ang patuloy na pangangalaga at pananatili ng Marine Protected Area sa bansa na tinaguriangParael Mar.
Ang MSN kasama ang Philippine Environmental Gvernance Project (EcoGov) ng United States Agency for International Development (USAID) ay magsasagawa rin ng isang pagtatalakayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at samahan na may kaugnay sa pangangalaga ng ‘marine life’ na idaraos sa University of the Philippines Marine Science Institute mula Agosto 31 hanggang Setyembre 1, 2011. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila