Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

SABAYANG FOGGING INILUNSAD NG KYUSI SA DISTRITO DOS

 

KAUGNAY na tumataas na bilang ng mga may kasong dengue sa bansa at sinasabing kabilang ang Lungsod ng Quezon sa may pinakamataas na bilang na apektado at namamatay dahil sa lamok.

 

Bunsod nito ay naglunsad kaninang umaga ang si Bise Alkalde Joy Belmonte kasama sina NCR Regional Director Eduardo Janairo ng DOH maging ang ilang opisyal ng Kyusi nang sabayang pagpapausok kontra lamok sa 30 barangay sa Ikalawang Distrito ng nasabing lungsod.

 

Pinasimulan sa Barangay Batasan Hills ang nasabing ‘fogging operation’ kasabay ng pagpapakalat ng mga flyers na may mga paraan at impormasyon sa paglaban sa nakamamatay na lamok na nagdadala ng dengue sa tao.

 

Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte na taunang pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ang isyu ng dengue na halos nasa 3 milyong piso ang inilalaang pondo dito hiwalay pa ang Health Department na halos nasa 2 milyon. Dagdag pa nya na inihanda rin ang mga barangay health centers upang mabigyan ng kaukulang serbisyo ang mga residente ng kyusi dahil sa nalaman na napupuno na ang mga ospital sa lungsod ng mga pasyenteng may dengue.

 

Sinasabi ni City Administrator Victor B. Endriga na malaki ang nasasakupan at populasyon ng Kyusi kumpara sa ibang lungsod sa Kalakhang Maynila kaya huwag umano mabahala na sa bilang ay mataas ang Kyusi. Ayon sa datos, sinasabing pang-9 ang Kyusi sa may mataas na bilang ng kaso ng dengue sa NCR.

 

Samantala, tinatayang 6 libong OV Trap ang ipapakalat sa lahat ng mga paaralan sa 30 barangay ng Distrito Dos samantala 3 libo naman ang ipamamahagi sa mga barangay, ayon kay Dra. Antonieta V. Inumerable na ipinagkaloob naman sa kanya ng DOST.

 

Ang Larvicidal Trap ay gawa sa isang latang pininturahan ng itim na nilagyan ng tubig at may nakalagay na maliit na hugis parihabang lawanit na nilagyan ng pellets na syang papatay sa itlog ng lamok.

 

Pagtatapos ni Dra. Inumerable ng Kyusi hindi aniya puwedeng magpatalo ang tao sa isang lamok lamang kaya’t hinihimok nya ang bawat isa na magsama-sama na panatilihin ang kalinisan simula sa bahay upang ang buong komunidad ay matiyak ang kaligtasan laban sa mga pumapatay na lamok sa bansa.

 

Asahan na hindi lamang sa District II gagawin ito kundi maging sa iba pang distrito ng kyusi.

 

Subalit sa isang press conference na isinagawa matapos ang paglulunsad na isinagawa sa isang plasa sa Barangay Batasan Hills ay binanggit ng isang kasama natin sa media na isa sa mga posibleng pinakamaganda at pinakamabilis na solusyon ng dengue ay ang muling paggamit ng Dichlorodiphenyltrichloroethane (DDT) na nadiskubre noong 1874 pa, na napatunayang epektibo noong panahon ng digmaan na talamak ang kaso ng malaria, dengue at iba pang ‘mosquito born diseases’. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila

 

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...