Feature Articles:

Datu Makabulig Allen Arat Capuyan: A Life of Service and Dedication to Indigenous Peoples and the Nation

In the heart of the Philippines, where verdant mountains...

Alam Mo Ba ang Totoo Tungkol sa HIV? Bagong Survey sa Pilipinas ang Nagbunyag ng Katotohanan!

Maynila, Pilipinas – Isang digital na survey na isinagawa...

ANG LINGKOD BAYAN NOON HANGGANG NGAYON . . .

Katulad ng maraming nasa hanay ng media nagsimula din si Tony Falcon bilang isang simpleng manggagawa o ‘runner’ sa radyo hanggang sa nabigyan ng pagkakataong maging Field Reporter ng iba’t ibang radyo sa bansa noong 1987

Sa loob ng isang taon ay tinagurian nya ang kanyang sarili bilang isang ‘Freelance Reporter’. Hanggang sa subukang magsarili sa DZME noong 1988 bilang isang Brodkaster.

Napansin ang angking galing sa pagmamahayag sa himpapawid hanggang sa kunin ang kanysang serbisyo ng Crusaders Broadcasting Service-DWAD si Tony bilang isang ‘Announcer’.

Taong 1989 nang magdesisyon si G. Falcon na magsarili ng kanyang programa sa radyo na binigyan naman ng bendisyon ng pamunuan ng CBS-DWAD na hindi saklawan ang kanyang pagpapaimbubulog sa himpapawid.

Palibhasa isang ‘Field Reporter’ nakita nya ang tunay na mukha ng buhay sa lipunan kaya higit pa nyang isinulong ang pagtulong sa kapwa sa munti nyang kakayahan gamit ang angking galing sa pakikipagtalastasan.

Inilunsad nya ang pahayagan ng Lingkod Bayan Balita at linggguhang labas sa telebisyon sa Channel 13. Nagsagawa sya ng ‘Medical and Dental Mission’ sa iba’t ibang panig sa bansa sa pakikipag-ugnayan na rin nya sa pamahalaan katuwang ang ibang sector sa lipunan na handing tumulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Bagaman natigil ang dyaryo at telebisyo pinanatili ni Tony Falcon ang radyo magpahanggang sa kasalukuyan.

Isa sa mga unang grupo ng ‘reporters’ ng Lingkod Bayan na magpasahanggang ngayon ay nananatili kay Tony Falcon ay si Clemen Andrade.

Umabot ng halos 200 kasapi ang organisasyon ng Lingkod Bayan ni Tony Falcon Inc. subalit ilan lamang sa mga ito ang matatag na nakasama ng masipag na brodkaster. Kabilang dito sina Raffy Rico, Boy Cruz, Jimmy Camba, na kasabayan ng ngayo’y Co-Host ngayon na si Vea Corpuz.

Palibhasa galing sa pagiging ‘Freelance Reporter’ kaya tuwina ay bukas palad sya sa mga ‘reporters’ na pawing nagsimula at nahasa rin sa Lingkod Bayan sa pamamahayag sa himpapawid. Ilan sa mga ito ay sina Ricky Sulla, Greg Fernando, Cathy Cruz, Ernie Dela Cruz, Allan Aguire, Edmond Pangilinan, John Nacion, Erwin De Lara, Fred Salcedo, John Nation at Boy Morales.

Abril 2011 nang muling magdesisyon si Tony Falcon ng TV program na ngayon ay mapapanood sa ZOE 33 tuwing Biyernes 5-6 ng hapon at Linggo 4-5 ng hapon.

Layunin ni Tony Falcon na makatulong sa mga maralitang kakabayan sa bansa kaya naging tema ng kanyang mga programa ay pawang ‘public service’. Ang kanyang mga Medical Mission ay naging kakaiba dahil ay kahalong ‘entertainment’ at banda.

Palibhasa isa ring artista noong kanyang kabataan kaya tumutulong sya sa mga kabataan na madiskubre sa larangan ng pag-arte. Kabilang sina Angelica Jones, Willy Garte at Jericho Rosales na isa lamang sa mga artistang ngayon ay kinikilala na sa establado.

Noon magpahanggang ngayon ay patuloy sa pagseserbisyo ang Brodkaster na si Tony Falcon gamit ang kanyang 23 taong nang programa at paglilingkod sa bayan ng programang ‘Lingkod Bayan’.

Hindi naging sagwil kay Tony Falcon ang hamon ng panahon kaya magpahanggang sa kasalukuyan ay mapapakinggan pa rin ang kanyang programa sa DWAD na nagsilbing ugat na rin na ngayong pumapalaot nang mga reporter sa iba’t-ibang istasyon ng radyo maging ng mga artistang nabanggit. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila

Latest

Datu Makabulig Allen Arat Capuyan: A Life of Service and Dedication to Indigenous Peoples and the Nation

In the heart of the Philippines, where verdant mountains...

Alam Mo Ba ang Totoo Tungkol sa HIV? Bagong Survey sa Pilipinas ang Nagbunyag ng Katotohanan!

Maynila, Pilipinas – Isang digital na survey na isinagawa...

Senatorial Hopefuls Vow to Correct WPS Narrative, Fight Corruption, and Champion People’s Agenda

QUEZON CITY – Three senatorial aspirants pledged on Tuesday,...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

5th QC Int’l Business Conference opens Feb. 28

The 5th Quezon City International Business Conference will take...
spot_imgspot_img

Datu Makabulig Allen Arat Capuyan: A Life of Service and Dedication to Indigenous Peoples and the Nation

In the heart of the Philippines, where verdant mountains meet the azure skies, lives a man whose legacy is etched not just in military...

Alam Mo Ba ang Totoo Tungkol sa HIV? Bagong Survey sa Pilipinas ang Nagbunyag ng Katotohanan!

Maynila, Pilipinas – Isang digital na survey na isinagawa ng Tangere, kasama ang TB-HIV Innovations and Clinical Research Foundation at Makati Medical Center, ang...

Evolving HIV Awareness in the Philippines: Digital Survey Insights Before and After the COVID-19 Pandemic

The Philippines has seen a rapid rise in HIV cases over the past decade, making it the country most affected by the HIV epidemic...

2 COMMENTS

  1. bagama’t ito ay naisa-publiko noon pang 2011, ay naging matatag pa rin magpasahanggang ngayon ang programa ng isa sa mga haligi ng radyo na si G. Tony Falcon. Ngayon ko lang ito nabasa nang aking napagdesisyunan na tapikin ang “lingkod bayan” sa Google. Isa ako sa mga naging intern ng nasabing programa at buhay na saksi kung gaano kamangha mangha ang kabutihang puso ni Sir Tony Falcon at sa lahat ng bumubuo ng DWAD