Feature Articles:

PAGPAPATAYO NG 400 UNITS NG BISTEKVILLE 2 SA PAYATAS SISIMULAN NA

NASA kaliwang larawan sina Barangay Payatas Kagawad Juliet Peña, Urban Poor Affairs Office Head Ramon Asprer habang nakamasid at matamang nakikinig ng panayam kay Meyor Herbert Maclang-Bautista. Sa gitnang larawan naman sina Bise Alkalde Joy Belmonte, Punong Barangay Rosario L. Dadulo, Secretary to the Mayor Tadeo M. Palma, Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa, Mayor Bautista at City Councilor Julienne Alyson Rae V. Medalla sa pagsisimula ng programa sa ginanap na “Groundbreaking ng Bisktekville 2 sa Molave, Area-B, Payatas, Quezon City. Si Meyor Bautista sa kanang bahagi pagkatapos ilagak ang kapsula bilang tanda ng pagsisimula ng nabanggit na proyekto ng lokal na pamahalaan para sa mga maralitang walang sariling bahay sa Lungsod Quezon. Cathy Cruz, DWAD/ PSciJourn Mega Manila

SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon ang pagpapatayo ng mga pabahay sa mga residente nito sa Barangay Payatas sa pakikipagtulungan pa rin ng Habitat for Humanity Philippines at BPI Foundation at PAGIBIG.

Sa isinagawang “Groundbreaking” sa Molave, Area B Barangay Payatas (Agosto 21, 2011), pinangunahan ni Alkalde Herbert M. Bautista at Bise Alkalde Joy Belmonte kasama sina Barangay Captain Rosario L. Dadulo at mga kagawad nito, maging mga konsehal na sina Alfred Vargas at Godofredo Liban, III, gayundin ng mga taga Habitat for Humanity at BPI Foundation.

Dinaluhan din ito ng dating City Administrator ngayon ay Executive Secretary nang si Paquito “Jojo” Ochoa. Kabilang din sa paglalagak ng kapsula bilang tanda ng pagsisimula ng pagpapatayo ng pabahay sa nabanggit na lugar ay ang mga ilang opisyal ng lokal na pamahalaan na sina Treasurer Edgar T. Villanueva, City Budget Officer Marianne Orayani, SSDD Head Maria Theresa M. Mariano, HURA President and General Manager Manuel N. Sabalza, Task Force COPRISS Marlowe “Jack” Y. Jacutin at iba pa.

Ang Bistekville 2 na itatayo sa Barangay Payatas ay pabahay para sa mga gurong nagtuturo sa Justice Cecilia Munoz Palma High School ng Payatas kasama rin ang ilang piling ‘informal settlers’ na nasa delikadong lugar na kinakailangang agad na ilipat subalit miyembro ng PAGIBIG na may kakayahang magbayad para sa pabahay ng pamahalaan.

Sinasabing ito ay simula lamang ng maraming proyektong pabahay ng lungsod para sa mga maralitang residente nito. Ayon kay Meyor Bautista mayroon ding mga nakalaang pabahay para sa mga ‘informal settlers’ na hindi kayang magbayad ng pabahay subalit tutulungan ng pamahalaan upang kumita, turuang mag-impok ng pera at matututong maging responsible sa pagbabayad ng sariling bahay makalipas ang inilaang palugit na isang taon.

Binanggit din ng alkalde na dahil sa karanasan ng bansa sa bagyong Ondoy kay nagsilbing panggising ito hindi lamang sa mga mamamayan higit sa pamahalaan upang tiyakin ang kaligtasan ng tao. Magagawa lamang umano ito kung maiaalis ang mga pamilya na naninirahan sa mga delikadong lugar hindi lamang sa panahong umuulan kundi kahit maayos na panahon tulad ng mga pamilyang naninirahan sa ilalim ng tulay, high-tension wires, tabi ng kalsada at iba pa.

Tinatayang nasa 400 units ang itatayo ng Habitat for Humanity sa lupang pagmamay-ari ng pamilya Oviedo.

Ayon kay Executive Secretary Jojo Ochoa, ang Lungsod Quezon ang sinasabing may pinakamalaking bilang ng mga ‘informal settlers’ na nakatira sa mga delikadong lugar sa buong bansa. Kaya’t ang mga programa aniya ng loka na pamahalaan ng Kyusi ay bunsod ng Public Private Partnership o PPP na bahagi ng programa at naisin ng Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na ang bansa ay patungo sa matuwid na daan. Cathy Cruz, DWAD/ PSciJourn Mega Manila

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...

1 COMMENT