Feature Articles:

NATIONAL SCIENTIST DRA. FE DEL MUNDO NAMAALAM NA

INIHATID na sa huling hantungan sa libingan ng mga bayani ang paham at tinaguriang Pambansang Sayentista noong  1980 si Dra. Fe Del Mundo na dinaluhan naman ni Pangulong Benigno Aquino III bilang pagbibigay pugay.

Matatandaan na si Dra. Fe Del Mundo ang itinuring na pinakamagaling na manggagamot sa Pilipinas. Ang kanyang galing ay higit na naipamalas nang kanyang pasimulan ang Ospital ng Pambata sa Pilipinas o mas kilala sa Philippine Children’s Medical Center.

Ipinanganak si Dr. Fe Del Mundo noong Nobyembre 27, 1911 sa Maynila. Isa sa walong (8) anak nina Atty. Bernardo at Paz Del Mundo. Sa murang edad na sampung taon ay naulila sa ina.

Natapos sa Manila South High School noong 1926 at kabilang sa sampung porsiyentong nakapasa sa Pre-Medicine Test nang sumubok sa Yunibersidad ng Pilipinas. Sa dalawang daang estudyante ay labing tatlo lamang dito ang babae.

Natapos ni Dra. Fe Del Mundo ang Pre-Med sa loob lamang ng dalawang taon sa UP College of Medicine at tanging may pinakamataas na markang nakuha sa Pediatrics o panggagamot sa mga bata. Nakamit ang Class Valedictorian noong 1933 sa Doctor of Medicine at nasungkit naman nya ang 3rd Place sa Medical Board Exam.

Sa angking kagalingan sa medisina nang ipinadala sya ng dating Pangulong Manuel L. Quezon noong panahon ng Commonwealth sa Amerika. Itinuring si Dra. Fe Del Mundo na kauna-unahang babae at asyanong nakapag-aral sa Pediatrics sa Harvard Medical School noong taong 1935-1940. Limang taong nagpakadalubhasa sa Harvard University at natapos ng Master of Arts in Bacteriology sa Boston University.

Nang panahon ng digmaang pandaigdig ay nag-boluntaryo sya sa International Red Cross noong 1941.

Sya rin ang naging susi kung bakit nagkaroon ng bakuna sa Pilipinas dahil sa kanyang mga pag-aaral na isinagawa at nagpadala ng mga ‘specimen’ sa ibat’-ibang panig sa bansa. Kabilang dito ay ang Polio sa New York, Tigdas sa London, Rubella o German Measles sa Switzerland at Varicella o Chiken Pox sa Japan.

Dahil sa kanyang pagmamahal at pagkalinga sa mga sanggol na naging daan upang malikha nya ang ‘incubator’ sa pamamamagitan ng kawayan. Sa pamamagitan din ng kawayan nang ginamit nya na pinagmulan ng enerhiyang pampainit at ‘photo theraphy device’ na nakakagaling sa mga sanggol na may ‘jaundice’.

Ang paham na sayentista na si Dr. Fe Del Mundo ay inilaan ang kanyang buhay sa paglilingkod kaya di kataka-taka na halos may kaugnayan sa medisina at kalusugan sa kasalukuyang panahon na pinakikinabang ng bayan ay pawang sya ang nagpasimula.

Ilan dito ay bilang Director ng Manila Children’s Hospital na naging Dr. Jose R. Reyes Memorial Hospital. Sya rin ang unang  Pilipino Diplomat ng American Board of Pediatrics noong 1947, naging kauna-unahang Asian President ng Medical Women’s International Association na nasa posisyon mula 1962-1967 at naging Emeritus Fellow ng American Academy of Pediatrics. Nagpasimula rin sya ng Philippine Pediatric Society at namuno mula 1952-1955 gayundin ng Philippine Medical Women’s Association.

Taong 1972 nang sya ay inihalal ding Pangulo ng Philippine Medical Association at kauna-unahang delegado ng Pilipinas sa World Academy of Science in Trieste, Italy noong 1993.

Sa kagustuhan na maibahagi ang kaalaman kaya nagturo sya ng Pediatrics noong 1943-1954 sa Yunibersidad ng Santo Tomas subalit noong 1954-1974 nang lumipat sya ng Far Eastern University at naging Chairman ng Pediatrics Department na naghatid sa kanya bilang Professor Emeritus.

Pinagkalooban din sya ng Honoris Causa ng Philippne Women’s University, Medical Women’s College of Pensylvania, Smith College in Northampton, Massachusetts at ng Yunibersidad ng Pilipinas noong 1996.

Dahil sa napatunayang paglilingkod at kagalingan sa larangan ng medisina kaya napabilang sya sa National Academy of Science and Technology (NAST) noong 1979 at kauna-unahang naging National Scientist na syang pinamataas na antas na kinikilala ng pamahalaan dahil sa mga di maikakailang kontribusyon sa siyensya at teknolohiya.

Ang buong Science Community ay saludo sa iyo Kagalang-galang at Paham na Dra. Fe Del Mundo! Cathy Cruz, PsciJourn Mega Manila

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...