TINUTUTULAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG LUNGSOD QUEZON ANG PAGBEBENTA NG BAHAY NG DATING PANGULONG MANUEL L. QUEZON NANG KAPATID NYANG SI GNG. ZENAIDA QUEZON AVANCENA SA LUGAR NG BARANGAY MARIANA.
SINASABI NI CITY ADMINISTRATOR ENDRIGA NA BINANGGIT NA NYA SA KONSEHO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NA MAGPASA NG ORDINANSA SA PAGPAPATIGIL NG PAGBEBENTA NG NASABING ANCESTRAL HOUSE NG DATING PANGULONG QUEZON. HINDI UMANO ITO DAPAT GALAWIN O IBENTA SAPAGKAT ITO AY ITINUTURING NANG BAHAGI NG ISTORYA NG PILIPINAS KAYA’T NAKIKIPAG-UGNAYAN NA ANG NASABING ADMINISTRADOR SA NATIONAL HISTORICAL COMMISSION UPANG ITO AY AKSIYUNAN AT SA HALIP AY BILHIN NA LAMANG NG NATIONAL HISTORICAL COMMISSION.
HINDI ANIYA KAYANG BILHIN NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG NASABING PAG-AARI NG MGA QUEZON DAHIL MAAPEKTUHAN ANG PONDO NA NAKALAAN PARA SA PAGIBIGAY SERBISYO SA MGA RESIDENT DAHIL SA KAMAHALAN NG HALAGA NITO NA UMAABOT NA HUMIGIT KUMULANG SA 110 MILYONG PISO.
SA PANAYAM NA ISINAGAWA SA KANYA, SINASABING ISA SA MGA POSIBLENG PROBLEMA NG PAMILYA AY ANG DI PAGBABAYAD NG AMILYAR NITO NA DAPAT ANIYANG ALAMIN NG GRUPO KAY QUEZON CITY TREASURER EDGAR P. VILLANUEVA.
NAKAHANDA NAMAN UMANO ANG LOKAL NA PAMAHALAAN NA TULUNGAN ANG PAMILYA NI QUEZON NA POSIBLENG DAHILAN NG KAGUSTUHAN NILANG IBENTA ANG NASABING PAG-AARI NG MGA QUEZON.
PARA SA PROGRAMANG LINGKOD BAYAN CBS DWAD. CATHY CRUZ NAG-UULAT