NASA larawan si Vice Mayor Joy Belmonte habang ipinagkakaloob ang 100 Stainless Steel Whistle (pito) sa Founder ng United Pampanga Hills Neighborhood Association (UPHNA) na si Cathy Cruz, Broadcast Journalist ng DWAD “Lingkod Bayan” kaugnay sa paglulunsad nila ng “Pito Mo, Kaligtasan Ko” sa mga residente ng nasabing lugar sa Barangay Payatas. Kasama nya rin ang UPHNA Interim Officers na sina (mula kaliwa) Treasurer Jezreel Tabisora, President Ismael Payawal Jr., Vice President Engr Jess Fernandez at Seargent-at-Arms Raymond Manjares.
Ang nasabing proyekto ay bunsod ng kabi-kabilang krimen na nagaganap sa kanilang lugar. Sa pangunguna ni Cathy Cruz ipinakita nyang walang imposibleng makamtan ang kapayaan sa isang lugar kung ang bawat naninirahan ay tunay na nagmamalasakitan at nagkakaisa tungo sa isang layunin, ang magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang lugar.
Sa kabilang banda, tanging nasambit ng UPHNA Vice President na si Jess Fernandez na “Hindi nasayang ang aking nag-iisang boto sa kanya” dahil aniya tinupad ng butihing Bise Alkalde ang kanyang ipinangako nang nakaraang halalan na tutulong sa mga mahihirap na taga-Kyusi sa sandaling sya ay palarin manalo. Marie Santos, Tuklasin Natin