PINANGUNAHAN ni DOST, Department of Science and Technology Secreatry Mario Montejo, University of the Philippines President Alfredo Pascual ang isinagawang ground breaking ceremony
Para sa paglalagay ng prototype na Automated Guideway Transit na ilalagay sa loob ng UP Diliman Campus.
Ang nasabing okasyon ay nagsimula alas otso (8:00) ng umaga at ito’y ginanap sa mismong panulukan ng kalye Jacinto at Lakandula st. sa loob ng UP Diliman Campus.
Kasabay sa isinagawang ground breaking ay ang paglalagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina Kalihim Montejo ng(DOST), Pangulong Pascual (UP), Arthur Lucas Cruz ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC –DOST), UP Diliman Chancellor Cesar Saloma, Amelia Guevarra ng Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD-DOST) at UP Diliman Vice President for Development Elvira Zamora.
Ang paglikha ng DOST sa AGT ay para lang muna sa UP Diliman Campus na kung saan ang kunsepto ay isang mass transit na gaya ng Light Railway Transit, Metro rail Transit at naiiba dahil ito ay tunay na produkto o likhang pinoy mismo, at ito ay daraan sa isang single rail o mono rail lamang sa halip na dalawa riles.
Ayon kay Montejo, ang AGT ang siyang magiging solusyon sa suliranin ng mga estudyante na nahihirapang sumakay para sa pagmasok sa kanilang klase dahil kadalasang punuan at siksikan na ang mga jeep.
Bukod umano sa gawang pinoy ito, environmentally sustainable pa at alternatibong teknolohiya rin, dito umano nagpapakita na tunay ang angking galing ng ating mga enhinyero at inaasahang makakarating ang kanilang nilikhang teknolohiya sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ang prototype na bagon ay naglalaman umano ng 60 pasahero na mag tetest track ng dalawang kilometro sa loob ng campus. Raffy Rico/ Jimmy Camba