Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Ingat Yaman ng Lungsod Quezon, Ang Tunay Na Lingkod Bayan

Quezon City Treasurer Edgar T. Villanueva, City Administrator Victor B. Endriga at Head ng Special Task Force Eduardo Evangelista- ANG MGA SUSI NG KAUNLARAN NG LUNGSOD QUEZON 

Taong 1986 nang unang pumalaot si Edgar T. Villanueva sa larangan ng serbisyo publiko bilang inspektor sa upisina ng Ingat Yaman sa Lungsod Quezon. Bagaman isiniling na may gintong kutsara sa bibig hindi naging sagwil ito upang ang paglilingkod sa bayan ay isakatuparan.

Hindi nabanaagan ang tila Adonis na si Ed ng anumang yabang sa katawan. Nananatiling may kababaang loob na na naghatid sa kanya sa tagumpay. Sa kanyang pagiging inspektor hindi nya inalintana ang mga di magandang posibilidad na mangyayari sa kanya magampanan lamang ng mahusay ang atas ng katungkulan. Kung tutuusin, maaari namang gawin nya ang sya ay mag-negosyo na lamang subalit sadyang ibig niya na maging bahagi ng kaunlaran ng kanyang bayan.

Lalong napatunayan ang angking katalinuhan at dedikasyon sa kanyang trabaho sa pag-upo nang mahalal ang ngayong Speaker of the House na si Feliciano “Sonny” Belmonte nang kunin si dating Ingat Yaman Victor B. Endriga at piliin sya ng huli na maging katuwang sa itinatatag nitong Special Task Force noong Marso 3, 2003 upang ibangon ang pinansyal na kalagayan ng Kyusi.

Sa binuong sampung (10) Examiner nang ngayon City Administrator nang si Endriga, namumukod tanging si Edgar Villanueva ang may pinakamataas na koleksyong nalikom sa loob lamang ng siyam (9) na buwan (Marso-Disyembre 2003) na 40 Milyong Piso sa kabuuang 100 Milyong Piso. Nagsilbing dahilan ito ng kanyang ‘spot promotion’ nang isang bahagdanang taas mula sa kanyang posisyon.

Ang kamangha-manghang pag-angat ng Lungsod Quezon ay naging usapan sa mga karatig na lungsod at munisipyo, dahilan kung bakit sina Victor B. Endriga at Edgar T. Villanueva ay naging matunog ang pangalan at naging daan upang hingin ang kanilang tulong noong Hunyo 2004 na ibangon ang munisipyo ng Cainta mula sa lugmok na kalagayan nito.

Dahil napatunayan ang kagalingan sa aspetong pinansyal ipinadala si Edgar T. Villanueva sa Cainta at naging pansamantalang Ingat Yaman nito.  Sa loob lamang ng anim (6) na buwan ay unti-unting tumaas ang koleksiyon ng nasabing munisipalidad hanggang sa kilalanin ang Cainta bilang may pinakamataas na nakolektang buwis sa kasaysayan ng pamamahala ng mga munisipyo.

Sa isang Resolusyon iginagawad ng mga Sangguniang Munisipyo ng Cainta Bilang 32 taong 2007 ay kinilala ang di matawarang kagalingan bilang Ingat Yaman ni Ed Villanueva, na naghatid sa kanyang upang masungkit ang opisyal na pagkakatalaga nito magpahanggang sa kasalukuyan.

Matapos ibangon ni Ingat Yaman Edgar Villanueva ang Cainta hiniling muli noong 2008 ang pagseserbisyo nito sa Lungsod Quezon lalo na nang magretiro ang Assistant City Treasurer na si Atty. Rosario V. E. Reyes.

Nagpatuloy ang pagyabong ng Lungsod Quezon, patunay ang kabi-kabilang imprastrakturang proyekto at lalong pagningning ng siyudad sa iba’t ibang serbisyo publiko. Sa kasalukuyan, pagkatapos magretiro ni Victor Endriga at italagang City Administrator ay  inilipat na ang pamamahala ng yaman kay Edgar Villanueva.

Sinasabi ng mga taong nakasama ng masipag, matalino at mababang loob na Tresurero ng Kyusi tulad nina Antonio A. Saur, Revenue Examiner, Special Task Force at Eduardo Evangelista na ang kinakailangan na lamang ni Edgar Villanueva ay kumpirmasyon ni Finance Secretary Cesar V. Purisima upang permanenteng maging Ingat Yaman ng Lungsod Quezon sapagkat anila nasa kaniya na ang mga kwalipikasyon upang maitalaga.

Wika nga ni Examiner Tony kung serbisyo rin lang ang pag-uusapan, higit pa sa limang (5) taon ang karanasan ni Ed dahil tinatayang nasa dalawampu’t limang taon (25) na sya sa serbisyo sa upisina ng Ingat Yaman. Dagdag pa nya na lahat ng trabaho sa Treasurer’s Office ay nagampanan nya nang higit pa sa inaasahan.

Matatandaan na upang maitalaga kang permanenteng Ingat Yaman ng isang munisipalidad o lungsod ay kinakailangang permanente na ang posisyong kinalalagyan, may limang (5) taong karanasan sa nasabing tungkulin, residente ng lungsod at higit sa lahat ay may mataas na rekomendasyon ng Alkalde at maging Konseho nito, na pawang taglay na ng matalinong Villanueva.

Kapansin-pansin din sa kanyang tanggapan na sa ilalim ng kanyang pangalan ay nakatatak ang ‘Public Servant’. Dapat nga talagang ipagmalaki ang tulad ni Ed Villanueva hindi lamang bilang Treasurero ng Cainta o Lungsod Quezon kundi dapat ding irekomenda sa Honor Awards Program ng Civil Service Commission dahil sa kanyang Outstanding Work Performance. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...

1 COMMENT

  1. Kasama po ba sa tamang serbisyo ang pag assess niyo sa business permit renewal ang hindi tamang computation, at kayo ang nag didikta kong magkano ang kinita namin?!, ang serbisyong tinatawag ay ang e assess niyo kami ayon sa aming kinita o negosyo!….ang dami ng umangal sa taan ng paniningil niyo!,,kayo kaya ang magnegosyo kung hindi mahirap!