Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Sa Kalagitnaan ng Kalagayang Pagkalito

Sa pagsusuri natin sa matinding epekto ng estratihikong kalagayan na sapilitang ipinataw sa atin ng isang bigong pamunuan sa ating lipunan ngayon, nararapat at mahalagang alamin nating lahat na ang pangunahin at mapanirang pangyayari na hinaharap ng ating bansa sa ngayon ay ang kasalukuyang pagkaguho ng pandaigdigang sistemang pananalapi at ang hayagang walang kakayanan ng pamahalaang ito na maglapat ng kaukulang katugunan.
Sa halip na ang ating katipunan at ang kasindiwa na mga Pilipino ay madala pa sa usapin ukol sa pamimili ng mga pulitiko, sa kabila ng mga mapanilo at hayagang pakita ng mga mapagsamantala sa hanay ng mga oposisyon at sa hanay ng mga gipit na mga nanunungkulan, dapat nating idiin nang may buong kasiglahan at walang puknat, na ang pangunahin at di-matatanggihang sanhi ng mga kabiguan ng ating mga pinuno na mamahala at itaguyod ang kapakanan ng ating mga kababayan, ay ang kanilang kapabayaan at karuwagan na harapin ang kasamaan, na naglapat ng kanyang kasakiman, sa lipunang Pilipino at sa sangkatauhan.

Sa kasalukuyan, gaya ng eksaktong pagtaya o forecast ni Lyndon LaRouche at paulit-ulit na pagbababala sa mga pamunuan ng Estados Unidos at ng buong daigdig, ang sistemang pinansyal ng floating-exchange-rate na ipinatupad noong 1971-72  ng oligarkiyang pinansyal sa pangunguna ng I.M.F. sa pamamagitan ng tinatawag di-umano na independent central banking system, ay nasa isang kalagayan na di-na-maibabawing proseso ng pagkadurog, na magdudulot ng isang malubhang krisis pampinansyal sa pandaigdigang sistema ng pananalapi na ‘di pa nararanasan sa buong kasaysayan ng daigdig.

Gaya ng pinatutunayan ng mga malabulang pagputok at paglaho ng mga pamumuhunan na inutang o highly leveraged derivatives investments, dambuhalang pagkalugi ng kalipunan ng mga naglalakihang puhunan o hedge funds, at pagbagsak ng mga kasunduang utangan at sanglaan ng mga lupain at ari-arian o real estate mortgage bond collapses sa kalakhang Yuropa at Estados Unidos na kung saan karamihan, kung ‘di man lahat ng mga gobyerno, kasama na ang ating bansa, ay nakikipagsapalarang mamuhunan, ang kasalukuyang kabihasnan ay humaharap sa isang tiyak nab anta ng isang panibagong yugto ng kadiliman—kagutuman, kapighatian, at kamatayan—o new dark age, na ang kalubhaan ay di pa nararanasan sa kasaysayan ng tao.

Sa kanilang walang bisa na paglihim o pagkubli ng daang trilyong pagkalugi, ang U.S. Federal Reserve, Bangko Sentral ng Yuropa at Bangko Sentral ng Hapon ay sumuong sa mga gawaing lubhang mapaminsala sa katatagan ng salapi o hyperinflationary, gaya ng pag-imprenta ng pera, upang makapagbigay ng huwad na larawan ng kasiglahan at aktibidad sa mundo ng pandaigdigang pamilihan ng espekulasyon o speculative markets. Ang mga gobyerno sa buong mundo ay agad itong tutularan dahil sa kanilang pagkukumahog upang sagipin ang mga sarili. Asahan ang mabilis na pagtaas ng mga bilihin, pangunahin man o hindi, lalo na ang langis at ang mga produktong hango sa langis, na magdudulot ng walang kakayanan ng gobyerno na ipagtanggol ang buong populasyon laban sa karamdaman at kagutuman.

Ang mga liderato sa gobyerno, pangangalakal, at sa akademya, ay hindi na maaaring ipagwalang bahala ang tindi ng krisis pang-ekonomiya at pampinansyal na nararapat bigyan ng agarang pansin at pagkilos na nangangailangan ng pinakamataas na antas ng moralidad at karunungan. Sa kabila ng manipulasyon at masalimuot na maiitim na balakin ng mga pulitiko, at ng mga tulad nina Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, Fidel Ramos, at mga iba pang napakaraming sakim na mapagsamantala, dapat nilang maintindihan at kilalanin ang malalang kamalian ng kanilang patakaran; taglayin ang katapangan upang makalikha ng pangunahing pagbabago; at ipatupad lahat ang kinakailang pananggol at estratehiyang lunas upang labanan ang nagbabadyang pagkawasak ng ating lipunan.

Panahon na upang panindigan ang soberenya ng ating ekonomiya, hindi lamang sa kadahilanang moral ngunit bilang isang siyentipikong katwiran, na para manatili at umunlad ang isang ekonomiya, ang kapakanang pantao ang dapat unahin. Itong pagpapahalaga ng prinsipyo ng kabutihang pangkalahatan gaya ng ginawang ulirang halimbawa nila Nestor Kirchner ng Argentina, at si Mahatir ng Malaysia, na naghayag na tunay, kayang mabuhay kahit wala ang I.M.F.

Upang maisakatuparan ang ganitong kalagayan ng kahandaan, kinakailangan natin ang matiyakang hakbangin upang palakasin at patatagin ang mga institusyong bumubuo sa tatlong pangunahing sangay ng pamahalaan. Ang demokratikong sistemang ito ang siyang napatunayang pinakanakakatugon ng tuwirang pamamagitan ng mamamayan. Maaaring hindi ito nakatugon sa marami at iba’t ibang mga suliranin at usapin, ngunit ang prinsipyo ng pagpigil sa pagmamalabis at pagaabuso o checks and balance, anupamang pamumuwersang pampulitika o suhol na ialok, ang sistemang ito ay patuloy na nakakaganap ng kanyang layunin. Ang mga opisyal na umaabuso sa lubusang tiwala na ipinagkakaloob sa kanila ng mamamayan upang mamahala sa mga intitusiyon na ito sa kalaunan ay natatanggal, samantalang ang iminumungkahing imoral at marahas na mga panukalang batas, tulad ng EVAT, EPIRA, at CHA-CHA ay nasasailalim sa mga mapanuring talakayan, ang pagsasakatuparan ay maaari pa ring ipagpaliban, tanggihan o ipawalang-bisa.

Mangilan-ngilan na mga litong Pilipino na nagsusulong ng kamakailan lang na mungkahi ng pagpapalit ng ating Saligang Batas (CHACHA), na tuwirang nakatuon sa pag-iiba ng anyo ng gobyerno mula sa Sistemang Presidensiyal na naumpisahan sa Amerika patungo sa Parliyamentariyong Sistema ng mga taga-Yuropa ay dapat na mamulat na may mga tao na may layuning kahina-hinala na nagsusulong ng mga nabanggit na mga panukala, at ito’y malinaw na kahayagan ng masamang kaisipan, na nagsasamantala nang lubusan sa isang gipit at litong mamamayan upang itali at ihigpit ang silo ng pasismo, nang sa gayon mapanatili silang matatag maging ang mga tulad nila na mga de facto na mga diktador. Ang sistemang Parliyamentaryo ay napakadaling manipulahin, wala itong taglay pampatnubay sa pagpigil ng pang-aabuso, na nagluklok kay Adolph Hitler at iba pang kasalukuyang pasistang pinuno na naglalayong makapagtatag ng isang pandaigdigang gpbyernong mapaniil o one world government. Ang mga taong nagsusulong ng pag-iibang sistema na ang layunin ay ipawalang-bisa ang kalooban ng mamamayan at ihandog ang ating bansa sa kamay ng mga globalista, ay dapat mabunyag sa tunay nilang katauhan; makabagong-pasista at kinatawan ng kasamaan. Upang patiwasayin ang kanilang diyos-diyosan ay inaalay tayo bilang mga hain-buhay.

Maliban na tayo, ang Katipunan ng Demokratikong Pilipino sa pagtutupad ng ating misyon alinsabay sa mga kasintulad-isip na makabayang Pilipino ay manatiling alisto at tapat sa pag-ukit ng isang kinabukasan para sa ating mga kabataan; paglaanan ‘di lamang ang pagpapatuloy ng buhay kundi maging saligan sa pag-unlad sa antas ng buhay para sa mga darating na henerasyon; makiisang kumilos kasama ang iba pang mga pandaigdigang makasaysayang mga tao upang iligtas ang sangkatauhan laban sa pansariling pagkawasak, itong kasalukuyang sibilisasyon na kinabibilangan natin ngayon, ay ‘di makaliligtas sa darating na kapighatian at kapahamakan.

Nananawagan kami sa lahat ng mga Pilipino, na kumilos ayon sa tunay at bukod tanging likas na kaanyuan ng tao na nilikha sa wangis at hugis ng Diyos, na may katutubong kapangyarihan ng kaisipan na may kakayanang itaguyod ang kabutihang pangkalahatan, upang masiglang makisali sa prosesong pagtatamo ng kinabukasan ng ating bansa. Inaanyayahan namin ang lahat ng makabayan na masiglang simulan ang pagwaksi ng lahat ng pampulitiko at pang-ekonomiyang patakaran na lumalabag sa mga di-mahiwalay na mga karapatan ng tao. Hinahamon namin ang mga kabataang Pilipino na hilingin sa mga nakatatanda ang pagkakataong maisakatuparan ang inyong mga pangarap sa isang lipunan batay sa Katotohanan, Katarungan, at Kapayapaan.

Nilagdaan:
Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP)
League of Filipino Democrats
LaRouche Youth Movement—Philippines (LYM)

http://larouchephil.com/

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...