NASA larawan sina Media Affairs Head Joel Palacios, Head ng ID Card Center Jose Antonio Salazar at SSS President at CEO Emilio S. De Quiros, Jr. habang ipinakikita ng huli ang isa mga mga unang grupo na magkakaroon ng bagong Unified Multi-Purpose ID Card ng SSS.
Inilunsad ng SSS ang Unified Multi-Purpose Id Card (UMID) upang makatipid ang pamahalaan sa gastusin sa pagpapagawa ng ID dahil imbes na ang SSS, GSIS, Philhealth at Pag-ibig ay magpapagawa ng kanya-kanyang pagkakakilanlan at patunay na kasapi ay iisang ID na lamang umano ang ilalabas ng apat (4) na GOCC.
Ayon kay Emilio S. De Quiros, Jr. Pangulo at CEO ng SSS, ang Card Registration Number (CRN) ay magsisilbing habambuhay nang numero ng isang kasapi. Dagdag pa nya na ang National Statistics Office ang magsisilbing taga-berepika kung ang isang miyembro may nakarehistro nang ID card kung kaya maiiwasan ang pagdoble ng naipagkaloob ng ID.
Nakalagay umano sa nasabing UMID card ang buong pangalan, araw at lugar ng kapanganakan, pangalan ng magulang, timbang at taas. Inaasahan din na sa loob ng limang (5) taon ay 25 milyong miyembro na ang magkakaroon ng nasabing ID card. Makakakuha rin nito sa alinmang nabanggit na apat (4) na GOCC.
Ang uunahing mabigyan nito ay ang mga bagong miyembro ng SSS, GSIS, Philhealth at Pagibig kabilang na rin dito ang 607,000 na hindi pa nakatatanggap ng SSS ID subalit nakapagsagawa na ng Biometrics sa kanilang tanggapan at nakapagsumite na ng kaukulang kinakailangang dokumento. Samantala, ang mga dati nang may SSS ID ay maari ring pumunta sa anumang malapit na upisina ng SSS upang magkaroon ng bagong UMID ngunit pinapayuhan na makalipas na ang isa’t kalahating buwan na inaasahang matatapos ang ‘backlog’ nila sa ID. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila
katatanggap ko lang ng umid ko, pero ang nakalagay lang dito ay yung common reference number, wala ang sss number ko. kinuha ko to sa sss dahil nagpa card ako, makakakuha pa ba ako ng card na may nakalagay na sss number ko katulad dati? kasi ang nasa akin lang ay yung e-1 form ko. gusto ko sana magkaron ng sss id na may number ko.
isa pang bagay, auotomatic na bang masasama sa umid card yung pagibig number ko? kasi may pagibig ako pero hindi ko alam ang number ko, kasama na ba sa pag process nun ang mapaloob dun ng awtomatiko ang pag ibig ko kahit hindi ko nailagay dun ang number ko?
maraming slamat!
yung CRN mo yan yung SSS number mo po
Ang gulo po ng unified id kc sa e1 form ko ung sss number ko iba sa crn number hindi pareho pano u
Kapag nag apply po ako sa company tas natanggap ako ung requirements na sss number hinihingi nila nung pinaphoto copy ko ung umid ko sabi ng hr wala naman naka sulat na sss number ko nung kinuha ko sss e1 form ko tas kinumpare ko sa crn number magkaiba panu ba makukuha ung sss number ko?
Ung crn at sss.no ko magkaiba.magkaka problema mo va dun?tnx