Ang mga magsasaka sa probinsiya ng Aurora ay sumubok isagawa ang PalayCheck, isang sistema ng pagsasaka sa may patubig na palayan kung saan may walong key checks ang dapat makamit upang magresulta sa mataas na ani at kita na dinebelop ng PhilRice upang matulungan ang probinsyang ito sa paghahangad nitong makilala bilang ‘’haven of fancy rice’’ o sagana sa produksyon ng fancy rice.
Ayon kay Rolando San Gabriel, nanguna sa proyektong tinawag na AURora’s Organically Grown Aromatic Rice o Aurora, may 22 na magsasakang nagtatanim ng Basmati na barayti ay nagtapos sa PalayCheck Field School o PFS sa Barangay Esteves, Casiguran.
‘’Noong una hindi pa agad sumunod ang mga magsasaka sa PalayCheck, lalo na sa pamamahala ng nutrisyon at peste. Ngunit kinalaunan napatunayan nilang epektibo ito sa pamamahala ng sheath blight nitong tag-araw kung kaya’t nagsimula na nilang isagawa ang mga itinuturo PFS,” wika ni San Gabriel.
Ang proyektong ito, na pinagtutulung tulungan nang opisina ni Senador Edgardo Angara, Aurora Grains, Inc, PhilRice, at Rural Empowerment and Development Foundation, Inc, ay naglalayong pagsama-samahin ang mabuti at maayos na gawi sa pagpaparami ng mga magagandang kalidad ng aromatic rice o mabangong barayti ng palay sa mababang presyo.
Ayon pa kay Dr. Manuel Jose Regalado, deputy executive director ng PhilRice, maliban sa mga barayting may potensyal na umani ng mataas, ipinapakilala at sinusubukan rin sa proyektong ito kung papaano makaka ani ng mataas na may mababang gastos gayundin magkakaroon ito ng mataas na atas ng presyo upang kumita rin ng mataas ang mga magsasaka sa probinsiya.
Idinagdag pa ng mga nagpapatupad ng proyektong ito na magkakaroon pa uli ng pagsasanay sa PalayCheck sa ilan pang bayan ng Aurora. Ang mga magsasakang kabilang sa PFS ay magsasanay sa loob ng tatlong cropping seasons kung saan matututunan nila ang mga tamang pamamaraan ukol sa kalidad ng binhi, paghahanda ng lupa, pagtatanim, pamamahala ng peste, sustansya, tubig, at ani. Yen Solsoloy, PhilRice
Matagal ko ng ibig subukan na magtanim ng Basmati Rice dito sa Iloilo ,…mayroon akong Rice Fields sa tatlong location dito ….3 years na akong nag hahanap ng Basmati seed na pwedeng matanim dito pero wala ni sinoman ang makapag sabi sa akin kung saan ako makakabili ng Seeds …I’d appreciate it very much if anybody can help me find even a kilo of Basmati Seed so I can try it out on my Filds