Upang matugunan ng mas mabilis ang pangangailangan sa mga impormasyon ukol sa palay, bigas, at kanin ,at para magkaroon ng interaksyon sa pagitan ng mga eksperto ng PhilRice at nang mga rice stakeholders gayundin ang mga media, inilunsad ang mga opisyal na social networking sites ng PhilRice na pinangalanang RICE Matters.
Ayon kay Karen Barroga, head ng Development Communication Division ng PhilRice, ang mga social networking sites ng PhilRice ay isang plataporma kung saan ang mga progresibong magsasaka, manunulat, at ang masa ay makakalap ng mga bago, kakaiba, katangi-tanging impormasyon sa palay, bigas at kanin at mga adbokasiya ng Institusyon tulad ng Save Rice, Save Lives Movement gayundin upang makapag bigay opinyon at komento sa mga isyu nito.
Anumang makukuhang impormasyon, opinyon o komento ng mga rice stakeholders ay magsisilbing kapaki-pakinabang sa Institusyon upang lalo pa nitong pagbutihin ang pag-aaral at pagdedebelop ng mga teknolohiyang makapgpapataas ng ani at kita ng magsasaka.
Sa loob lamang ng isang buwan humigit-kumulang nasa 33,000 na ang ‘hits’ o dami ng taong tumining at dumalaw sa RICE Matters ng Facebook, nasa 500 naman ang sa WordPress, at mayroon nang 47 na ‘followers’ o tagasunod sa Twitter na binubuo ng mga ahensiyang pang-agrikultura sa loob at labas ng bansa, media, at ilang mag-aaral ng agrikultura.
Suportahan ang proyektong ito. ‘I-like’, ‘follow’, at dalawin ang RICE Matters sa http://www.facebook.com/rice.matters, http://twitter.com/#!/rice_matters, at http://www.ricematters.wordpress.com.
Gayundin, maari ring bumisita sa corporate website ng PhilRice sa http://www.philrice.gov.ph. Yen Solsoloy, PhilRice