NASA larawan sina DAR Undersecretary Francisco Nieto, Secretary Virgilio Delos Reyes, Office of Solicitor General Joel Cadiz and Support Services Undersecretary Jerry E. Pacturan sa ginanap na press conference kahapon Hulyo 11, 2011. Sinasabing magsusumite si SolGen Cadiz ng “Motion for Reconsideration” sa naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Hacienda Luisita.
Ang mandato ng Kagawaran ng Agraryo ay siguraduhing ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa bansa, yan ang pinakabuod ng naganap na talakayan subalit hindi rin naman sinasabi ni Kalihim Delos Reyes na mali ang desisyong ipinataw ng Kataas-taasang Hukuman sa bansa kaya mat tinatawag na pagsusumite ng mosyon, isang natural na proseso ng legalidad.
Abogado General Joel Cadiz sinabi reperendum ay hindi na kailangan matapos ang kataas-taasan hukuman binawi ang stock ng pamamahagi ng lupain Luisita plano dahil ito ay laban sa mga layunin ng Seg.Sinabi SSinabi naman ni Solicitor General Joel Cadiz na hindi kailangan ang ‘referendum’ pagkatapos na tanggihan ng Korte Suprema ang Stock Distribution Plan sa Hacienda Luisita dahil ito ay hindi naaayon sa layunin ng batas sa Section 31 ng Republic Act No. 6657 o ang Comprehensive Agraraian Reform Act noong 1998.
Sinasaad umano sa batas na sa loob ng dalawang taon mula nang mapagtibay ang batas na ito, kapag ang lupa o ‘stock transfer’ ay hindi naisakatuparan ang pagmamay-ari ng agrikulturang lupain ay papailalim sa ‘compulsory coverage’ ng batas na ito.
Susog ni Kalihim Virgilio Delos Reyes na maliwanag aniya ang batas, ang pagkakaloob ng ‘stocks’ ay hindi na ‘option’ kundi ang lupang ito ay kailangan talagang ipagkaloob na sa mga magsasaka.
Mariin niyang inulit na nDagdag apakaliwanag umano ng batas, hindi karapat dapat ang SDO [Stock Distribution Option].
Walang ibang dapat gawin kundi ipamahagi ang lupain sa magsasaka, kailanman at patuloy na nanindigan ang DAR at OSG sa isyung ito simula pa noon dahil yan ang mandato ng nasabing kagawaran, pagdurugtong ni SolGen Cadiz.
Inaasahan na magsusumite ng “Motion for Reconsideration” ang Office of the Solicitor General sa pakikipagtulungan ng Department of Agrarian Reform bago dumating ang takdang huling araw na pagsusumite ng MR sa Hulyo 22. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila