NASA larawan si Undersecretary for Field Operations ng Department of Agrarian Reform habang kinakapanayan ng mga media tungkol sa isasagawang aksyon ng nasabing ahensya sa naging desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng Hacienda Luisita.
Bago pa man humarap ang nasabing opisyal ay nagpahayag nang hindi muna sila magbibigay ng anumang komento dahil hindi pa nila natatanggap ang sinasabing desisyon at kautusan.
Subalit inaasahan na agad ding maghaharap ang Legal Affairs at ang Solicitor General tungkol sa mga implikasyon ng desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.
Pagtitiyak nila na kaagad silang maglalabas ng anunsyo sa kaukulang aksiyon ng kanilang ahensya at tinitiyak nilang magiging patas at ‘transparent’ sa magkaparehong panig.
Ayon kay USEC Nieto, sakaling ang kautusan ng korte ay ‘final and executory’ sa pagsasagawa ng ‘referendum’ sa mga magsasaka sa Luisita ay kanilang isasakatuparan ngunit ito ay dapat munang nakaayon sa suhestiyon ng OSG.
Pagliliwanag pa rin ni Nieto na kailanman sa panahon ng kanyang panunungkulan ay hindi nakialam ang Pangulo sa desisyon ng mga kaso sa kanilang ahensya. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila