SA ginanap na talakayan ng Communication and News Exchange sa Philippine Information Agency ngayong Hunyo 29, 2011 ay nag-ulat ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) hinggil sa mga kasalukuyang ginagawa nila upang makapaghanda at mabigyang babala ang publiko sa posibleng kalamidad sa bansa dulot ng pag-ulan.
Ayon kay Research and Development Undersecretary Graciano P. Yumul, Jr. na batay sa datos na kanilang nakalap sa mga nangyaring mga bagyo ilan sa mga ito tulad ng Tropical Depression Bebeng, Bagyong Chedeng, Tropical Depression Dodong at Tropical Depression Egay ay naranasan ang mas maraming pag-ulan ang naganap subalit higit na naranasan sa mga lalawigan ng Visayas at Mindanao.
Karaniwan umanong dahilan ng pagkamatay ng mamamayan ay dulot ng pagguho ng lupa, pagkalunod at pagkakuryente. Dagdag pa nina Usec Yumul at PAGASA Administrator Nathaniel T. Servando na mararanasan sa bansa ang matinding pag-ulan kahit sa panahon ng tag-araw gayundin ang matinding init.
Binanggit ni Servando na upang lubos na mabantayan ang pag-ulan ay kinakailangang magkaroon ng labing tatlong (13) Doppler Radars sa bansa. Ang mga lugar ng Aparri, Baguio, Subic, Baler, Tagaytay, Panay, Palawan, Guiuan, Eastern Samar, Hinatuan, Zamboanga, Tampakan, at Virac ang may Weather Monitoring Equipment o pasilidad ang PAGASA. Sa paglalahad ng PAGASA sa CNEX ang Doppler Radar ay inaasahan nang magagamit sa lugar ng Tampakan, Hinatuan, Tagaytay, Mactan at Virac bago matapos ang taong 2011.
Sa pakikipanayam kay PIO Venus Baldemoro, ang lugar ng Aparri, Guiuan, Eastern Samar at Virac ay inaasahan din na dadagdagan pa ng Doppler Radars ang kasalukuyan na nitong Automated Weather Station na pinondohan naman ng Japan International Coordinating Agency (JICA).
Samantala, ang Palawan, Cebu at Zamboanga ay isinasaayos na rin ang paglalagakan ng Doppler Radars. Sa kasalukuyan ay ginagamit na ang Doppler Radar sa Baguio, Palawan at Subic. Itinaas naman ang antas ng kagamitan (upgraded) pagkat ginawan din na magsisilbing tulad ng Doppler Radar ang lugar ng Baler at Baguio.
Ang mga lalawigan ng Laoag, Tanay, Legaspi, Puerto Princesa, Cebu at Davao ay kasalukuyan ngayong may Upper Air Stations ng DOST-PAGASA.
Pagdidiin ni Usec Yumul sa pagtatapos ng mga paglalahad ng mga kasalukuyang programa ng PAGASA na ang ating bansa o pamahalaan ay nakahanda sa mga kalamidad o bagyong darating dahil mga teknolohiyang ginagawa depende sa pangangailangan ng isang lalawigan o bayan. Bukod sa pagtugon sa mga makatwirang katanungan hinggil sa ulat ng panahon gayundin sa panahon ng tag-ulan at inaasahang pag-apaw ng tubig sa mga dam ay may anim na oras itong nagbibigay ng babala sa mga lugar na maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig upang hindi masira ang dam.
Aniya ang DOST-PAGASA ay 24/7 na naglilingkod sa bayan hindi lamang dahil sa ito ay kanilang tungkulin kundi dahil ito ay kanilang bansa rin na kanilang ginagalawan. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila
SKNN by Ben Cao Philippines Partner with Ben Cao Xiu Fu Kunming
In a historic step toward advancing global standards in herbal aesthetic and wellness...
Nanawagan ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang pinakamalaking samahan ng mga non-government organizations (NGOs), people’s organizations (POs), at kooperatiba sa bansa, sa...
Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon to receive aid in joint humanitarian mission
In a powerful display of bayanihan, the Philippine National Police...