Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

KAUNA-UNAHANG PAGSASANIB PUWERSA NG MUSLIM AT KATOLIKO KONTRA RH

SA kauna-unahang pagkakataon nagsanib puwersa ang Muslim at Katoliko sa iisang layunin, ang karapatang mabuhay at pahalagahan ang buhay na may moralidad.

Sa naganap na press conference kamakailan (June 6, 2011) sa Club Filipino na dinaluhan nina Datu Nash Pangadapun, Secretary General ng Maradeka; Sr. Evelyn Coronel; Sheik Jamil Yahya; Provincial Secretary, Salesian Society of Don Bosco; Alim Ibrahim S. Ulama, President of Federation of Imams and Preachers of the Philippines; President PSBA Atty. Benjamin Paulino; Past President, Pro-Life Movement Sr. Pilar Verzosa, RGS; Alim Acmad Basher, President of Imam’s League of the Philippines; Ma. Linda O. Montayre, Convenor, Solidarity for Sovereignity; Antonio Abad Santos Valdes, Convenor S4S at Archbishop Oscar Cruz, FMR President, CBCP na may temang “The Imperatives on the Filipino and His conscience Vis-à-vis the threats Confronting Him Today From a Religious and Moral Perspective” ay tinalakay ang mga dahilan upang huwag pahintulutang maging batas ang Reproductive Health Bill na isinusulong ng mga grupong nagsusulong ng RH.

Mariing binanggit ni Linda Montayre na ang pagsusulong ng Reproductive Health Bill ay hindi naaayon sa batas ng tao at lalong hindi tama sa paningin ng Diyos dahil aniya ito ay kikitil sa buhay ng milyong di pa isinisilang na sanggol na nakatakdang maging mamamayan ng bansa sa darating na panahon.

Kaugnay dito ay matapang siyang nananawagan sa lahat ng sundalo sa Pilipinas na ipagtanggol ang buhay ng mga isisilang na sanggol at ang mga mamamayan sa bansa dahil ito ang unang-unang tungkulin ng mga kasundaluhan, ang ipagtanggol ang karapatan mabuhay ng bawat mamamayan.

Malungkot niyang inihayag na si Pangulong Noynoy Aquino sa halip na pangalagaan ang kanyang bayan at mamamayan ay nakipagkasundo pa sa mayayamang bansa kabilang ang Amerika at Europa na kontrolin ang pagdami ng tao kapalit ng halagang 483 Milyong Dolyar upang tiyakin na ang mga natural na yaman natin ay puwede nilang gamitin para sa kanilang kapakinabangan at hindi ng ating mamamayan sa bansa.

Matapang ding tinukoy ni Archbishop Oscar Cruz si Representative Edcel Lagman na dahil umano sa pagiging may akda at pangunahing nagsusulong ng RH Bill ay dapat na ituring na kriminal dahil sa sandaling maipasa umano ito o maisabatas ang ay tiyak na maraming papatayin o mamamatay na buhay sa loob pa lamang ng sinapupunan ng kani-kanilang mga ina. Dagdag pa nya na ito rin ang dahilan kung bakit bumababa ang moralidad ng mga Pilipino sa kasalukuyan dahil sa naturang Bill ay tinuturuan nito ang mga kabataan na pumasok sa maagang pag-aasawa o pakikipagtalik kahit walang matrimonya ng kasal.

Sinegundahan din ni Archbishop Cruz ang sinabi ni S4S Convenor Butch Valdes sa tinalakay ng huli tungkol sa tunay na layunin nang pagsusulong ng Reproductive Health Bill, ito ay bawasan o patayin ang mga tao sa buong mundo kabilang dito ang Pilipinas.

Ayon kay dating DepEd Undersecretary na ang prinsipyong “Depopulation” o pagkontrol/ pagbawas ng populasyon ay ginagawa sa maraming kaparaanan buhat noon pang ika-17 siglo. Giyera, sakit, pagtaas ng bilihin at lahat ng pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng tubig at kuryente ay ilan lamang sa paraan upang mapagtagumpayan ng mga imperyalista ang pagbabawas ng tao sa buong mundo kasama na dito ang pagsasabatas ng pagbabawas o pagkokontrol sa pagdami ng tao tulad ng nangyari sa bansang Tsina. Cathy Cruz, PSciJournMega Manila

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...