Madalas natin naririrnig na uminom tayo ng gatas para tumibay ang buto natin sapagkat ito ay mayaman sa calcium.
Ang pag-inom ng isang tasa ng gatas araw araw ay nagbibigay 340.55 milligrams (mg) ng calcium, kaya ito ay mainam na pinagkukunan ng naturang mineral.
Pero hindi lahat ng Pinoy ay nakakaya ang pag-inom ng gatas dahil ito ay karaniwang nagdudulot ng pananakit ng tiyan o pagtatae sa kanila na kung tawagin ay lactose intolerance.
Para sa mga taong may ganitong kondisyon, pwedeng iipalit sa gatas ang mas malapit sa panlasang Pinoy na maliliit na isda gaya ng dilis na mayamang pinagkukunan ng calcium kaysa gatas.
Ang 100 gramo ng preskong dilis ay may 752 mg ng calcium, sapat upang matugunan ang pangangailangan sa calcium ng katawan na 700-800 mg bawat araw.
Ang dilis ay masarap kainin kapag malutong. Sundin ang simpleng paraan ng pagluluto ng dilis para makatiyak na ito ay magiging malutong at masarap.
Mga kailangan:
1 itlog (binati) ½ tasang gewgaw (cornstarch)
1/4 tasang asukal na pula ¼ kilong dilis, sariwa
2 kutsaritang asin mantika pang-prito
5 tinadtad siling labuyo
Direksyon:
- Ipaghalo ang itolg, asukal, asin at sili sa isang lalagyan.
- Ilahok ang harina.
- Idagdag ang 1/4 kilong dilis.
- Haluing maigi ang lahat ng sangkap hanggang mabalot nang husto ang mga dilis.
- Painitin ang mantika sa kawali. Iprito ang mga dilis hanggang maging malutong at
maging kulay ginto.
Tapos na! May masarap na ulam na tayo, masustansya pa dahil mayaman sa calcium. Ito ay mas murang pinagkukunan ng calcium kaysa gatas.
Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address: mvc@fnri.dost.gov.ph o mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-3164. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph (FNRI-DOST/Victor J. Alfonso Jr.)