SA ginanap na Clean Air 10+2 nitong Hunyo 14-15, 2011 sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay kabilang ang Boysen Philippines, Inc. sa naglahad ng kanilang hakbangin upang makatulong sa layuning magkaroon ng malinis na hangin sa bansa.
Ang Boysen KNoxOUT ang tinaguriang kauna-unahan sa mundo na uri ng pintura na makatutulong ma malinis ang hangin na may ginamitan ng ‘CristalActiv technology’ na may taglay na ultrafine titanium dioxide (TiO2) upang higupin ang enerhiya mula sa liwanag na bumabalanse at nagiging ordinaryong tubig singaw na nagiging hydroxyl at peroxyl radicals sa ibabaw ng ultrafine titanium dioxide (TiO2).
Pinatunayan sa mga pagsubok na ang pinturang Boysen KNOxOUT ay kayang linisin ang hangin katumbas ng sampung (10) sasakyang nagbubuga ng usok mula sa tambutso nito bukod sa maituturing na ito ay may anti-bacterial properties din. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila