CNEX sa PIA – Nasa larawan sina Atty. Jose A. Fabia, Director-General, Philippine Information Agency (PIA); Department of Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo-Puyat; Department of Agrarian Reform Secretary Virgilio Delos Reyes; Department of Environment and Natural Resources Secretary Ramon J.P. Paje at PTV Host Cathy San Gabriel habang isinasagawa ang talakayan nang tatlong pagsasama-samang puwersa ng DA-DAR-DENR upang maisakatuparan ang layunin ng Pangulong Noynoy na matiyak ang seguridad ng pagkain at kaalinsabay nito na mapababa ang kahirapan sa bansa.
SA lingguhang Communication and News Exchange Forum (CNEX) ay ibinalita at inaanyayahan ni Kalihim Delos Reyes ng DAR ang publiko na magkakaroon ng Agrikultura Trade Fair sa Megatrade Halls 2 at 3 sa Hunyo 24-26, 2011 mula 10:00 AM hanggang 9:00 PM na may temang Agraryo, Agrikultura at Kalikasan: A Convergence Towards Sustainable Rural Development.
Mariin din ni Secretary Gil Delos Reyes na kinakailangang maipasa ang batas ng National Land Use Act upang mapaayos ang mga isyu ng paggamit ng lupa sa bansa kaya’t hinihiling din nya ang suporta ng taumbayan na maisulong ang nasabing kautusan ukol sa lupa.
Sa ating pakikipanayam din sa kanya, na mali ang sinasabing ang CARP ang dahilan kung bakit hindi umuusad ang produksiyon ng pananim sa bansa kundi ang sistema na kasalukuyang umiiral sa Pilipinas. Batay umano sa datos ay malaking bahagi na ng lupang pagmamay-ari ng pamahalaan ang siyang naibigay na sa mga hanay ng magsasaka at magpahanggang sa ngayon ay marami pa ring lupang pribado ang hindi pa rin nahahati o naibibigay sa magsasaka dahil sa ilang kakulangan ng batas na ipinapatupad sa bansa. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila
[contact-form] [contact-field label=”Name” type=”name” required=”true” /] [contact-field label=”Email” type=”email” required=”true” /] [contact-field label=”Website” type=”url” /] [contact-field label=”Comment” type=”textarea” required=”true” /] [/contact-form]