SA ginanap na PIA Communication and News Exchange Forum noong Biyernes na nagging napauhin ay sina Department of Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo-Puyat, Department of Agrarian Reform Secretary Virgilio Delos Reyes, Department of Environment and Natural Resources Secretary Ramon J.P. Paje kaugnay pa rin sa pagsasanib puwersa ng pamahalaan upang matiyak ang pagkakaroon ng sapat na pagkain at maibsan ang kahirapan sa bansa.
Sa kabilang banda, si Kalihim Paje ng DENR ay mariing pinaalalahanan ang publiko sa mahigpit na pagpapatupad ng Solid Waste Management Act lalo na sa punto ng paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
Sa kasalukuyang umiiral na batas ay papatawan ng kaparusahang kalahating milyong piso ang mga kumukuha ng basura sa bawat bahay nang hindi pa ito nahihiwalay.
Ninanais umano ng pamahalaan na matuto ang bawat tahanan ng ‘waste segregation’ o ang paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok. Dagdag pa nya na sa pamamagitan nito na malaking bahagi ng itinatapong basura ang mawawala kundi matutunan ang paghihiwa-hiwalay ng basura.
Dagdag pa ni Secretary Paje na maaari pang pagkakakitaan ang mga itinapong basura tulad ng mga bote, garapa at dyaryo dahil ito ay binibili. Samantala sa mga nabubulok tulad ng mga tiring pagkain ay maaring maghukay sa bakuran at ibaon sa lupa at magsilbing pataba pa umano ito sa pananim.
Aniya hindi lamang dapat ang mga Meyor, Vice Mayor o Kapitan ang dapat na magsaayos ng basura kundi ang bawat tao sa mga tahanan. Dapat umanong maging responsible sa paghihiwalay ng basura dahil sa kalaunan ay ang buong bayan din ang makikinabang ng kalinisan.
Sa mga pasaway na ayaw sumunod na mga tahanan na hindi naghiwalay ng kanilang mga basura ay hayaan umanong bumaho sila dahil hindi kukunin ng mga umiikot na humahakot ng basura kundi ay ang mga ito ang mapapatawan ng kaparusahan.
Upang matiyak ang pagsasakatuparan ng nasabing batas ay nakipagkasundo ang Department of Environment and Naturan Resources (DENR) sa mga local na pamahalaan lalo na sa Kalakhang Maynila upang umaksyon at maobliga ang mga mamamayan sa pagsasakatuparan ng ‘waste segregation’. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila