SA pangalan ng tunay na pagseserbisyo kahit saan ginagawa at puwedeng gawin, kahit sino at kahit kaninuman. Yan ang nakita kong katangian ni Dr. Alfredo “Boy” Senga-Cheng ng Calumpang, Marikina.
Matatandaan na kasama sya sa mga sumubok na maging Alkalde ng bayan ng Marikina subalit sa kasalukuyan ay hindi pa rin masasabing hindi siya naging mapalad na magwagi sa nasabing eleksiyon dahil sa kasalukuyan ay ginaganap ang muling pagbibilang ng boto ng mga residente nang nasabing lungsod.
Batay sa impormasyong aming nakalap ay nakitang malaki umano ang napapatunayang mga boto ni Dr. Cheng sa mano-manong pagbibilangan sa maraming presinto. Sa kasalukuyan, sa dalawampung porsiyento ng pagbibilangan ay maituturing na malaking boto ang nawala at hindi nabilang sa pangalan ng nasabing doktor ng bayan na kataka-takang sa nagdaang eleksiyon ay wala siyang natamong boto sa mga presintong ito.
Subalit kapansin-pansin na bagaman wala sa munisipyo ang butihing doktor ay hindi pa rin napapatid ang serbisyong ipinagkakaloob para sa kapwa. Totoo ngang an gang bukal na pagseserbisyo o pagtulong sa kapwa ay hindi kinakailangang ikaw ay nasa posisyon o nakaluklok subalit malaking epekto pa rin sa mamamayan kung tamang tao ang naihalal na ama ng bayan. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila