Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

KATUPARANG MAKATAPOS SA KOLEHIYO DI NA IMPOSIBLE – YING BONILLA

Nasa larawan ang ilan sa mga iskolar ng DARE Foundation, Inc. kasama ang Founder, Chairman at Pangulo ng nasabing organisasyon na si Ms. Violeta “Ying” Bonilla (gitna) nang ipagkaloob ang tsekeng magagamit para matupad ang pangarap na makapag-kolehiyo.

MULI na namang nagkaloob ng ayuda ang DARE Foundation, Inc. sa mga anak ng kawani ng Kagawaran ng Repormang Agraryo (DAR).

Kamakailan ay masayang tinanggap ng mga iskolar na sinasaksihan ng kanilang mga magulang at Board of Trustees ang tseke bilang tulong pinansyal upang makapag-aral ang mga anak ng DAR ‘employees’ na hindi makayanang maipagpatuloy ang pagpapa-aral sa kolehiyo dahil sa kaliitan ng tinanggap na sahod, kawalan ng trabaho ng kabiyak o kulang pa ang kinikita ng mag-asawa kahit pagsamahin at may maraming anak.

Sa inisyal na pagkakaloob ng tulong pinansyal ay tinanggap ng ilan sa walong (8) iskolar na kinabibilangan nina Donabelle Gadgad, DAR Benguet; Roxette Anne Mananes, DAR-Tarlac; Charlene Babra, DAR Laguna; Ysmael Candelario, DAR Occidental Mindoro, Evanne Dominique Araojo, DAR-Catanduanes; Vic Steven Muyalde, DAR Bohol; Rez Angeli Pugoy, DAR-South Bukidnon at Klivonne John Santoyo, DAR-Misamis Oriental ang pasimulang halaga na sampung libong piso bilang pambili ng gamit pang-eskuwela, yuniporme, at iba pa sa pagsisimula ng klase o pagpapatala sa State Universities saan man naisin ng mga mag-aaral.

Ang bawat iskolar ng DARE Foundation, Inc. ay tumanggap ng inisyal na halagang P 10,000.00 sa kabuuang P 20,000.00 hanggang  P 40,000.00 para sa isang buong taong pag-aaral.  Ang susunod na halaga ay nakabase sa sisingilin ng State University sa kung anumang apat (4) na taong kursong nais ng estudyanteng kunin at direktang magbabayad ang DAREFI sa kanilang pinasukang yunibersidad.

Ayon kay Bb. Bonilla, sa totoo lamang aniya ay noong nakaraang taon pa ito sinimulan ng nasabing organisasyon at ito ay maituturing nyang pangtanggol laban sa nararanasang di maipagpatuloy na pangarap o solusyon ng mga magulang na kapwa kawani rin nya sa DAR.

Dagdag pa nya na sakaling hindi makapagtapos ang estudyante sa apat (4) na taong kurso ay ma-oobliga ang mga magulang na ibalik ang perang ipinagkaloob sa kanila o kung sakaling lalampas ng 4 na taon ay ang mga magulang na ang gagastos sa kanilang pag-aaral. Ito aniya ay upang masiguro na pahahalagahan ng estudyante at magulang ang ipinagkaloob nilang tulong pinansyal at tiyakin na sila ay makakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo lalo pa at wala nang mabigat na dahilan ng kanilang pagtigil.

Inaasahan na hindi lamang ito ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng DAREFI sa mga kawani ng pamahalaan lalo ng mga taga-DAR, ito umano ay isa lamang sa mga programa at proyekto ng nasabing organisasyon at layunin nilang maihanda ang mga kasamahan at pamilya nito sa pagtatapos ng programang agraryo sa 2014. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...