PORMAL na lumagda sa isang kasunduan ang Department of Ararian Reform (DAR) sa pangunguna ni DAR Provincial Agrarian Reform Officer Eric San Luis at Balanga Mayor Jose Enrique S. Garcia III para sa constraction ng Montilla- San Rafael road.
Ayon kay DAR Provincial Agrarian Reform Officer San Luis, ang nasabing proyekto may 1.1 kilometro ang layo para sa gagawing pagsasa-ayos nito, ”and will help reduce travel time and transportation cost of farm commodities of the farmers-benificiaries of tuyo agrarian reform community and also of the residents of the community”.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng Japan International Corporation Agency (jica) na ipinatupad ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng phase 3 of the Agrarian Reform Infrastructure Support Program (ARISP-3) at sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Balanga.
Ayon naman kay Mayor Gardia ang proyekto ay hindi lamang mga magsasaka ang makikinabang kundi maging ang 1,283 nakatira sa Balanga at magiging madali na rin umano para sa mga residente ang pagdadala ng mga panindang gulay, prutas at palay sa mga pamilihan.
Ang ARISP-3 ay nagbibigay din ng pagseserbisyo sa irrigasyon , post-harvest facilities, bridges, at iba pa sa mga agrarian reform communities sa 55 provinces nationwide para sa suporta sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). (RAFFY RICO/JIMMY CAMBA/EFREN MARASIGAN)