AMINADO si Assistant Director for Administrative Services Francisco M. Gomez, Jr. ng Philippine Heart Center na binigyan sila ng Demand Notice ng Quezon City Treasurer na si Edgar T. Villanueva sa hindi pagbabayad ng Real Property Tax (RPT) simula noong 1996 hanggang 2011 na may kabuuang halaga ng halos 47 milyon hindi pa kasama ang mga medical equipment dito.
Pinabulaanan din ni Gomez ang sinasabing hindi tinatanggap subalit paglilinaw nya na kapag naubos na rin ang pondong nakalaan o umabot na sa tinatawag na ‘ceiling’ ay pansamantala nilang itinitigil ang pag-apruba ng mga ‘guarantee letters’ lalo pa kung ito ay malaking halaga. Ngunit tiniyak nyang tuloy-tuloy ang serbisyong ipinagkakaloob ng Heart Center kahit napakalaki ng hindi nasisingil ng kanilang hospital sa mga pasyente.
Dagdag pa ni Gomez ng Heart Center na nakipag-usap sila sa kay Mayor Herbert Bautista at City Administrator Victor Edriga upang humingi ng ‘tax exemption’ ang nasabing hospital dahil ikinukumpara nya sa ibang Government Owned and Control Corporation (GOCC) na nanatiling hindi sinisingil ng pamahalaan sa RPT.
Sinasabing dagdag pasanin ito ng hospital dahil malaki rin umano ang lugi nito dahil tinatayang nasa 200 milyong piso ang singilin sa mga pasyente na naserbisyuhan na nila maliban pa sa pagkakautang din ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nasa 39 na milyong piso.
Sa naganap na usapan, binigyan lamang ng pagkakataon ni Mayor Bautista ang PHC na magsumite ng kanilang mungkahi kung paano puwede magkatulungan ang dalawang panig sa lalong madaling panahon.
Tinanong din umano ni Mayor Bautista ang dahilan ng pagtanggi simula noong Marso 2011 sa mga ‘referral letters’ gayong nagkaroon ng kasunduan kamakailan sa PHC ang lungsod na maglalaan ng ‘discriptionary fund on medical services’ na nagkakahalaga ng 10 milyong Piso kada taon katulad ng St. Lukes Hospital at National Kidney Institute.
Pangangatwiran umano ni Dr. Manzo, Director ng Medical Services ng PHC na basta hindi umano idinaan ng dating Administrador sa Health Board ang nasabing kasunduan. Dahil dito, humingi si Manzo na ibaba ang ‘discretionary fund’ dahil binawasan umano ng 100 Milyong piso ang budget na inilaan sa kanila ng Department of Budget and Management (DBM) kaya’t hindi kakayanin ng kanilang ospital ang 10 milyon sa loob ng isang taon.
Sinabi ni Endriga na na hindi pumayag si Mayor Bautista sa ‘tax exemption’ ng RPT ng nasabing hospital subalit siniguro nito na handang makipagtulungan ang lokal na pamahalaan upang maresolba ang kanilang problema at kinakailangan umanong pag-aralan nila ang ‘discrestionary fund on medical services na hinihingi ng alkalde bilang kapalit ng kanilang utang sa buwis bago sumapit ang Public Auction sa Hulyo 7. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila