Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

ANG MGA KATOTOHANAN SA SIYENSYA NA MAY KINALAMAN SA RH BILLS

(Sa Simpleng Pananalita)

Pagpapasiya ng mga pangunahing eksperto sa buong mundo ukol sa sistematikong paraan ng pamamahagi ng artipisyal na kontraseptibo.

1. Ang artipisyal na pagsupil ng paglilihi (artificial contraceptive) ay pumapatay ng mga bata.

Kailan nga ba nagsisimula ang buhay ng tao?
Sa paglihi, kung kailan ang punla ay sumasanib sa itlog.
Ito ang pangkalahatang sagot ng mga eksperto sa Medisina (pati ng mga doctor sa Harvard Medical School at ng Mayo Clinic) sa isang walong-araw na pagdinig ng Senado sa Estados Unidos ng Amerika. 1

Ang pilduras at IUD ba ay kumikitil ng buhay sa sinapupunan? Oo, ang pilduras ay may pangalawang “after-effect” sa paglilihi, ayon sa makaagham na panunulat (scientific journal) ng American Medical Association. 2 Inihayag ng American Journal of Obstetrics and Gynecology na ang IUD o Intrauterine Device ay nagdudulot ng “pagkasira ng bilig (embryo).”3

2. Ang artipisyal na pagsupil ng paglilihi ay pumipinsala sa kalusugan ng kababaihan.

Ligtas ba ang pilduras?
Ayon sa Ahensyang Pandaigdig ng Pagsasaliksik sa Cancern noong 2007, ang pilduras ay nagdudulot ng Cancer dahil sa taglay nitong pinakamataas na antas ng “carcinogenicity”, tulad ng sigarilyo at asbestos.4 Ang pilduras din ang sanhi ng ‘stroke’5 at napatunayang ito ay nagdudulot ng karagdagang panganib sa pagkakaroon ng atake sa puso. 6

3. Ang kontraseptibong uri ng pamumuhay ay nakasisira ng pamilya.

Iigi o giginhawa ba ang pamumuhay ng pamilya sa pagkakaroon ng mas malawak na pangkaisipang kontraseptibo?
Ayon sa pagsasaliksik ni Nobel Prize Winner na si George Akerlof, ang mga kontraseptibo ay nagdudulot ng agarang pagkasira ng Matrimonyo sa kadahilanang lalaganap ang pagtatalik sa labas ng sakramento ng Kasal, dadami ang mga batang walang ama at mga dalagang ina. 7

4. Ang condom ay sumusulong sa paglaganap ng AIDS.

Totoo bang ang paggamit ng condom ang solusyon sa pagpuksa sa paglaganap ng HIV/AIDS sa isang bansa?
Ayon kay Edward C. Green, Director for AIDS Prevention, ang condom ay lalong magpapalaki ng antas ng HIV/ADIS ng isang bansa sapagkat ang pagkakaroon ng pagtatalik nito sa abot kaya ng sinuman ay makapagbibigay sa tao ng mas malayang sekswal na panganib, na siyang lalong magpapalaganap ng sakit. 8

5. Ang RH Bills ay base sa maling ekonomiya.

Mayroon bang kaugnayan ang pagdami ng populasyon sa ekonomiya ng isang bansa?
“Walang kaugnayan!” Ang sagot ni Simon Kuznets, nagwaging Nobel Prize sa Siyensya ng Ekonomiya. 9 Pinatunayan ito ng mas marami pang pagssaliksik kamakailan lamang.

Isa ba sa mga sangkap ng mataas at maunlad na ekonomiya ang kontroladong populasyon?
Hindi. Ito ang pamantayang nabatid ng 2008 Commission on Growth and Development na pinangungunahan ng Nobel Prize Winner na si Michael Spence. Ang mga dahilan o sangkap sa mataas na pag-angat ng ekonomiya ay: pamumuno, kaalaman, matatag na pananalapi, malawak na pamamahagi sa pamilihan, puhunan at pag-iimpok. 10

NAGSALITA NA ANG MGA PANGUNAHING EKSPERTO AT TAGAPAGPASIYA. ITIGIL NA ANG MGA RH BILLS. MAGTULUNGAN SA PAGWAWAKSI NG KAMANGMANGAN NG MADLA SA MGA SIYENTIPIKONG KATOTOHANAN. MAG-INGAT SA MGA MAYAYAMAN AT MAKAPANGYARIHANG TAGALUNSAD NG RH BILL.

1. Subcommittee Report, S-158, 97th Congress, 1st Session 1981, 7.
2. Larimore and Stanford (2000). “Post-fertilization effects of oral contraceptives and their relationship to informed consent” Arch Farm Med 9(2): 126-33.
3. Stanford and Mikolajczyk (2005). “Mechanisms of action of intrauterine devices: Update and estimation of postfertilization effects”. American Journal of Obstetrics and Gynecology (W.B. Saunders Comp) 187:1699-1708.
4. “Combined Estrogen-Progestogen Contraceptives” IARC Monographs on the Evaluation of Carcinogenic Risks to Humans 91.2007.
5. Kemmeren, et. Al. (2002). “Risks of Arterial Thrombosis in Relation to Oral Contraceptives (RATIO) Study: Oral Contraceptives and the Risk of Ischemic Stroke”. Stroke (American Heart Association, Inc.) 33: 1202-1208.
6. Baillargeon, McClish, Essah, and Nestler (2005). “Association between the Current Use of low-dose Oral Contraceptives and Cardiovascular Arterial Disease: A Meta-Analysis”. Journal of Clinical Endocrinology and metabolism (The Endocrine Society 90 (7)3863-3870.
7. Akerlof, Yallent and Katz (1996), “An Analysis mon Out-of-Wedlock Childbearing in the United States”, Quarterly Journal of Economics (The MIT Press) 111 (2): 277-317
8. Green (2003) Rethinking AIDs Prevention. Praeger.
9. Kuznets (1974) Population Capital and Growth, Norton.
10. The Growth Commission (2008) The Growth Report Strategies for Sustained Growth and Inclusive Development, World Bank Publication.

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...