Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

SA PROBLEMA SA LANGIS, MAY LUNAS PA

 

Sinuportahan ng isang Konsehal ng Quezon City ang mga pagsisikap tungo sa pangmatagalang solusyon sa problema ng pagtaas ng presyo ng gasolina, sa pamamagitan ng renewable energy (RE) resources at green transport initiatives.

            Sinabi ni third district Councilor Gian Carlo Sotto, sa panukala nitong resolusyon na pansamantala lamang ang epekto ng mga pangmadaliang solusyon sa problema sa oil price hike, na hindi lamang nakaka-apekto sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, at ang problemang ito ay nangangailangan ng long term solution.

            Matatandaan na nagpatupad ang pamahalaan ng fuel subsidy sa public transport upang matulungan ang mga ito na makaagapay sa patuloy at madalas na pagtaas ng presyo ng gasolina.

            Ayon kay Sotto, ang ganitong uri ng program ay isang solusyon na may pansamantalang epekte.

            Batay sa mga pag-aaral, ang renewable energy alternatives at electric and hybrid vehicles ay magbibigay ng long term solution sa oil price hike at makakatulong din para mapalago ang iba pang bagong industriya.

            Sinabi ni Sotto na ang mga hybrid na sasakyan ay gumagamit ng tradisyunal na gasolina o diesel subalit mayroong secondary energy source tulad ng baterya na sumasalo sa enerhiya kapag nakahinto ang sasakyan.

Habang ang electric cars ay battery powered electric vehicles, na nangangailangang magpakarga ng kuryente.

            Sa isinagawang paglulunsad ng e-tricycle, nagpahayag ng suporta si Presidente Ninoy Aquino. Isa sa nakikitang magbibigay ng mahabang solusyon sa pagtaas ng gasolina ay ang paggamit ng electric tricycles na gumagamit ng kuryente sa halip na krudo.

            Maging si Senador Edgardo Angara, chairman ng Congressional Commission on Science and Technology and Engineering (COMSTE)  ay nagpahayag ng suporta sa bagong eco-jeepney program ng Department of Energy, na makakatulong na mabawasan paggamit ng langis. -30- Divine/ Maureen Quinones, PAISO

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...