Sinamang palad na namatay sa sunog ang isang 3-taong gulang na si Adam Yohan Tolentino na nakatira sa 974 Miguelin St., Sampaloc, Manila ng Barangay 475 Zone 47 sanhi ng naiwang bukas na bentilador sa ‘basement’ ng kanilang tatlong palapag na bahay.
Kapwa nasa trabaho ang mag-asawang Armando at Lalyn Tolentino nang mangyari ang sunog ng kanilang tahanan. Tanging ang naiwang kasama ng pamangkin ng ama ng bata na si Ace Jasper Tolentino dahil iniwan umano sandali ang magpinsan ng kanilang lolo na si Jose Tolentino upang maghatid ng prutas sa anak nitong nagtatrabaho lamang sa UST Eye Center upang dalhin sa lola ng biktimang may sakit ng cancer na kasalukuyang nasa Bulacan.
Ayon sa ama ng biktima na nag-iisang anak nila ito at sampung taonbago sila biniyayayan ng supling kung kaya nagging labis ang kalungkutan ng mag-asawa lalo ng amang si Armando dahil sandaling panahon lamang aniya nakasama.
Kasalukuyang nakaburol ngayon ang bata sa Prudential Funeral Homes at ililibing sa North Cementery sa Linggo alas-diyes ng umaga.