Scholarship grants dapat ibigay sa dalawang deserving students ng bawat 142 baranggay sa Quezon City.
Sa inaprubahang resolusyon na inihain ni 4th district Councilor Raquel Malangen, hiniling ng city council sa 142 barangay sa QC na pag-aralan ang posibilidad na maglaan ng pondo mula sa kani-kanilang badyet para sa scholarship grants para sa dalawa sa bawat barangay.
Nakasaad sa resolusyon na ang mga natatanging constituents na ito ay dapat na i-enroll sa technical vocational school sa loob ng siyudad.
Sa ngayon, ayon kay Malangen, isa nang pribelehiyo at hindi karapatan ang makapag-aral lalo na sa mga eksklusibong eskuwelahan.
Bilang kaagapay ng gobyerno, tama lamang na maglaan din ang mga barangay ng scholarship grants sa kanilang constituents na nangangailangan at karapadapat na mabigyan nito.
Idinagdag ng konsehal na bahagi rin ng patakaran ng lokal na pamahalaan na maisulong at mapaganda pa ang kalidad ng edukasyon ng mamamayan. -30- Divine/ Maureen Quinones, PAISO
Alliance in Motion Global, Inc, has a Scholarship Program in which students will enjoy 25%, 50% up to 100% discount on tuition fees to over 400 partner schools nationwide. Transferable. No entrance exam. No expiration. Whole course.* depending on the course and school that they chose.
for more information: visit http://www.facebook.com/allianceinmotion
or email aimglobal.service@gmail.com