Nagsilbing biyaya sa lahat ng lumahok na taga-media sa isinagawang DAR 2011 Tri-Media Mini Olympics noong Mayo 7, 2011 sa covered court ng Department of Agrarian Reform sa Elliptical Road, Lungsod ng Quezon dahil sa mga papremyong tinanggap ng mga kalahok sa nasabing palaro.
Pinangunahan ang nasabing palaro para sa media ng Public Affairs Staff (PAS) sa pamumuno ni Director Hugo Yunzon III kasama ang kanyang Assistant Director na si Norma Padigos gayundin ng ilang kawani ng nasabing upisina.
Ilan din sa mga kawaning ito ay kabilang din sa mga kalahok sa mga palaro na pinag-isipan naman ng grupo ng College of Physical Education, Recreationn and Sports sa pangunguna ni Dr. Priscilla L. Minas ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Nagkaroon ng pagkilala sa mga media na maagang dumating sa lugar mismo ng pinaganapan ng palaro at ilan sa labing limang “early bird” ay sina John Nacion, Efren Marasigan, Cathy Cruz at Raffy Rico na pinagkalooban naman ng kaunting papremyo.
Hinati sa pitong (7) kulay ang mga dumating na media mula sa telebisyo, radio, print at online sa pagsisimula ng palaro. Nagsagawa rin ng kaunting ehersisyo upang ihanda ang katawan ng mga manlalaro na pinangunahan ng mga taga-PLM at nagsilbi ring giya o tagapamahala sa bawat grupo ang pitong (7) kasama ni Dr. Minas.
Nagsilbing makulay ang palaro sa buong maghapon na inabot hanggang alas-tres ng hapon. Ang bawat team o grupo ay presentasyon ng kulay asul, pink, lila, berde, dilaw, kahel, at pula pula, Ang bawat team bagaman hindi magkakakila-kilala ay naging bukas naman ang komunikasyon at kinakitaan ng partisipasyon ng bawat isa.
Hindi lamang pagkakaibigan ang sumibol sa nasabing palaro kundi ang layunin ng PAS na mapasaya ang lahat at maging mabiyaya ang isang buong araw na nakasama ang mga isa sa haligi ng Kagawaran sa pagbibigay ng tamang impormasyon para sa kapakanan ng mga publiko lalo na ng mga magsasaka katuwang pa rin ang media na nakasama sa palarong ilang taon na ring ginagawa ng DAR.
Naging mapalad ang Violet team dahil tinanghal na kampeon ang nasabing grupo, ikalawa naman ang Yellow team at Ikatlo ang Blue team. Subalit hindi naman umuwing luhaan ang mga hindi nanalo dahil lahat ay umuwing may kagalakan sa labi.