Upang mapalakas ang pulisya at maprotektahan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mahigit 2.9 milyong residente ng Quezon City, hiniling ng dalawang konsehal sa QC Police District (QCPD) na isama sa kanilang panukalang taunang badyet and sapat na alokasyon para sa pagbili ng kinakailangang modernong kagamitan sa kanilang operasyon.
Naniniwala sina Konsehal Anthony Peter Crisologo at Jose Mario de Leon na kailangang magsagawa ng imbentaryo ang QCPD sa kanilang mga kagamitan upang malaman kung ano pang kulang na gamit at armas.
Pagkatapos, anila, ng imbentaryo ay dapat isama ng QCPD sa panukalang badyet ang mga kailangan nitong kagamitan.
“The QCPD should take all necessary steps to ensure public safety, investigate and prevent crimes, effect the arrest of criminal offenders, bring offenders to justice and assist in the prosecution,” anang dalawang konsehal.
Naniniwala pa ang mga ito na dapat mabigyang prayoridad ang pagbili ng kinakailangang police equipment para mapalakas pa ang pakikipaglaban ng pulisya kontra krimen at pagbibigay proteksyon sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga kagamitan na kailangang bilhin sa susunod na taon ay investigative vans, SWAT vans, command vans, complete SWAT requirements, bagong mobile patrol cars, disaster equipment, mobile base radio Motorola, handheld radio Motorola, battery packs Motorola, unit laptop, desktop computer sets with printer, fax machines, heavy duty xerox machines, basic load ammunition para sa 380 cal. rounds, cla. 9mm-51,500 rounds, cal. 40 – 6,500 rounds, cal45 – 4,600 rounds, cal5.56/M16 – 22,800 rounds, cal7.62/M14 – 500 rounds at 12 G shotshell – 2,500 rounds. -30- Divine/ Maureen Quinones, PAISO