Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

SEGURIDAD SA MAHAL NA ARAW PLANTSADO NA SA QC

IKINASA na ng Quezon City Police District (QCPD) ang plano nito para sa kinakailangang seguridad bilang paghahanda sa paggunita ng Mahal na Araw simula April 17-24.

Bilang paghahanda, magtatalaga ang QCPD ng kaukulang police personnel sa mga terminal ng bus at MRT station upang masiguro ang kaligtasan, laban sa anomang uri ng karahasan, ng mga magsisiuwing pasahero sa kani-kanilang mga probinsiya.

Maglalagay ng police assistance center at magsasagawa ng 24/7 foot, mobile at motorcycle patrol ang QCPD upang maiwasan ang posibleng krimen mula sa ilang mga mapagsamantala at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Inatasan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Department of Public Order and Safety (DPOS) sa pamumuno ni Gen. Elmo San Diego (Ret.) na makipag-ugnayan sa QCPD at sa mga opisyal ng barangay upang masiguro ang mapayapang pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Ang Lungsod Quezon ang pangunahing ciudad sa Kamaynilaan na may maraming bilang ng bus terminal. Tinatayang libo-libong pasahero ang dumarating at umaalis ng lungsod araw-araw mula sa mga pangunahing terminal ng mga bus na bumibiyahe patungong hilaga at katimugang Luzon at maging sa Visayas at Mindanao .

Ipinag-utos rin ni Bautista ang pagbabantay sa mga residential area ng lungsod upang maiwasan ang nakawan na malimit na nagaganap sa mga kabahayang naiiwang walang tao tuwing panahon ng mahabang bakasyon.

Ayon kay QCPD director Benjardi Mantele, mahalaga ang kahandaan lalo na sa hanay ng publiko upang maiwasan ang anomang uri ng krimen at panloloko na karaniwang nagaganap dahilan sa kawalan ng personal na seguridad at paghahanda para sa kanilang sarili.

Upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko, magpapakalat ng tauhan si San Diego sa buong lungsod na tutulong sa mga tauhan ng QCPD at Metro Manila Development Authority (MMDA) -30- Rico/ Maureen Quinones, PAISO


st1\:*{behavior:url(#ieooui) }

/* Style Definitions */
table.MsoNormalTable
{mso-style-name:”Table Normal”;
mso-tstyle-rowband-size:0;
mso-tstyle-colband-size:0;
mso-style-noshow:yes;
mso-style-parent:””;
mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt;
mso-para-margin:0in;
mso-para-margin-bottom:.0001pt;
mso-pagination:widow-orphan;
font-size:10.0pt;
font-family:”Times New Roman”;
mso-ansi-language:#0400;
mso-fareast-language:#0400;
mso-bidi-language:#0400;}
QC MAY BAGONG MOBILE CLINIC MULA TSINA

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...