Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

“THE BIG ONE” PINAGHAHANDAAN NG KYUSI

KAUGNAY sa sinasabing pagdating ng tinaguriang “The Big One” o malaking kalamidad sa taong ito o sa susunod na taon ay nagkaroon ng kautusan ni Mayor Bautista sa lahat ng ehekutibo na pinamumunuan ni City Administrator Victor Endriga ng Lungsod Quezon upang magsagawa ng pagpaplano upang mapaghandaan ang posibleng malakas na lindol.

 

Sa ating pakikipanayam G. Endriga na may kabuuang 31,058 pamilya ang apektado ng tinaguriang ‘danger zone’. 232,000 dito ang ‘informal settlers’ na nasa pribado at pampublikong lugar.

 

Inaasahan na sa April 15 sa pagtatapos ng pasukan ng mga estudyante sa ekuwelahan ay maglalabas ng Notice sa lahat ng mga taga-kyusi na nakatira sa ‘sidewalk’, tatamaan ng west valley fault, nasa ilalim ng ‘high tension wire’, ilalim ng tulay at maging yung mga nasa ibabaw ng tubo ng MWSS. Ang nasabing Notice ay lalagdaan nina Mayor Bautista, PhilVoCS Director Renato Solidum at MMDA Chairman Tolentino na nagsasaad na kung puwedeng kusa nilang lisanin ang kinatatayuan nilang bahay o establisyemento dahil ito ay kabilang sa mga delikadong lugar sa panahon ng kalamidad.

 

Mayroon umanong listahan si General Elmo San Diego ng DPOS kung saan nasa ilalim ng kanyang tanggapan ang lokal na Disaster Risk Reduction Management. Subalit nang pinuntahan ng inyong lingkod si DPOS Head Gen. San Diego na pinababalik ako sa Lunes upang opisyal na ilabas ang listahan ang mga apektadong kabahayan sa iba’t ibang panig sa Lungsod Quezon dahil kailangan muna itong beripikahin sa PHILVOCS lalo na yung mga tatamaan ng ‘west valley fault’.

 

Mayroon namang ayuda na ipagkakaloob sa mga kusang lilisan lalo na sa mga mahihirap nating kababayan sa nasabing lungsod tulad ng relokasyon, pagkakaloob ng ‘livelihood’at ‘financial assistance na pamamahalaan naman ng SSDD gayundin din ang inaasahang pagpapatayo ng eskuwelahan sa kanilang puwedeng paglipatang bahay na tiniyak na ligtas na lugar upang tirhan.

 

May nakalaan nang pabahay na 1,500 sa Montalban at 500 naman sa San Jose Del Monte, Bulacan na ipinagkakaloob ng National Housing Authority. Karaniwan umano na dahilan ng pagsisibalikan ng ilang mga na-relocate na ay yung kahirapan sa lugar, malayo sa trabaho at paaralan. Kaya’t ito ngayon ang inaasikaso ni City Administrator Endriga katuwang pa rin nya ang City Engineering Department, DPOS, SSDD at iba pang departamento sa Lungsod Quezon gayundin ang MMDA at PHILVOCS upang maayos na maisakatuparan ang kautusan ni Mayor Bautista, ang masiguro ang kaligtasan ng taumbayan sa panahon ng kalamidad maging ito man ay baha, lindol, at sunog.

 

Ito rin ang dahilan kung bakit inutusan ni Mayor Bautista si City Administrator Endriga na maghagilap ng lote na puwedeng gawing ‘relocation site’ ng mga pamilya kabilang sa ‘danger zone’, fire station at police station. Sa kasalukuyan nga ay 15 ektarya ng Oviedo property ngayon ang bibilhin ng Lungsod Quezon na nasa Litex Road maging ang Kaligayahan Housing Project na 4.4 ektarya naman na inaasahan 1,596 ang mabibiyayaan ng mga housing project na ito.

 

May panukala itong si Mayor Bautista na hindi lamang 5 meters kaliwat pakanan na tatamaan ng west valley fault ang nais na bigyan ng Notice na ilalabas nga sa Abril 15 kundi para umano sigurado ang kaligtasan ay 10 meters pakaliwa’t pakanan.

 

Ayon nga kay Administator Endriga na 763 parcels of land ang tatamaan kung 5 meters samantala 963 parcels of land naman kung 10 meters ang gagawing agwat buhat sa mismong lupang tatamaan ng west valley fault.

 

Panawagan nga nitong si Administrator na huwag aniya tignan ito ng mga kababayan natin sa negatibong aspeto na sila ay idedemolish dahil hindi lamang umano ang mahihirap ang inaasahan na bibigyan nila ng nasabing Notice kundi maging mga mayayaman na pawang nasa Corinthian Garden din na milyong halaga ang bahay. Dagdag pa ni Endriga na nasa residente pa rin kung susundin nila ang lokal na pamahalaan lalo na yung nasa Corinthian Garden dahil hindi sila kayang bayaran ng lokal na pamahalaan sa milyong halaga ng kanilang bahay. Subalit ayaw umano nitong si Mayor Bautista na sisihin sa dakong huli ang lokal na pamahalaan dahil hindi binalaan ang mga apektadong residente maging ito man ay mayaman o mahirap.

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...