Nasa larawan si Barangay Chairwoman Rose Dadulo (panlima mula sa kanan)matapos ipagdiwang ang World TB Day sa Barangay Payatas, Lungsod Quezon kamakailan, ang nasabing programa ay may temang “Ako Ang Susugpo sa TB”, kasama ang mga kagawad at mga panauhin na sina, DR. Irma Asuncion, Regional Director, CHD, NCR, DOH; Dr. Antonieta Inumirable, Cty Health OFFICER III, Quezon City Health Department’ Dr. Shoko Ogawa, Second Secretary, Health Attache, Economic Section, Embasy of Japan.(RAFFY RICO/JIMMY CAMBA)
PINANGUNAHAN ni Chairwoman Rose Dadulo ang pagdiriwang ng “World TB Day 2011”kamakailan, kasama ang mga kagawad, Staff at mga kabarangay.Ang nasabing programa ay may temang “Ako Ang Susugpo sa TB” at ito ay ginanap mismo sa Covered Court tabi ng Barangay Hall, Area-B Barangay Payatas Quezon City.
Naging panauhin sa nasabing okasyon sina, Dr. Irma Asuncion, Regional Director CHD, NCR, DOH; Dr. Antonieta Inumirable, Cty Health OFFICER III, Quezon City Health Department’ Dr. Shoko Ogawa, Second Secretary, Health Attache, Economic Section, Embasy of Japan. Dinaluhan din ito ng ibat-ibang sector sa National Capital Region(NCR).
Kasabay sa pagdiriwang ng World TB Day 2011, nagakaroon naman feeding program ang Agrarian Reform Middle Management Association Inc.,ng DAR, sa pangunguna ni Violeta M. Bonilla, President, ARMMA.
Sa magkaparehong araw ginanap din ang Barangay Assembly, kasabay sa Inauguration ng Brgy. Library na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Brgy. Hall at ang MOA Signing ng St. as DOTS Facility.(RAFFY RICO)