KUNG may magaling at masipag na Barangay Captain tulad ng ibinalita ng ating kasamang si Joy Navarro kanina, maituturing naman na walang katulad din sa pagiging pilantropo ang isang katulad ni Ms. Violeta Bonilla ng Department of Agrarian Reform.
Actually Sir Tony, hindi dahil galing ako sa ahensyang ng Department of Agrarian Reform kaya binibigyang puri ko ang pamunuan maging ang mga kawani ng nasabing ahensya pero talagang dito nakita ko na hindi nagsisimula at nagtatapos ang kanilang papel bilang empleyado lang. Kundi ang mga lider na tulad nga nitong si Ying Bonilla ay hindi nagsasawa sa paglilingkod sa kanyang kapwa lalo na doon sa mga lugar o barangay na alam nyang kailangan ang tulong kahit sa paanong paraan.
Katulad nga kaninang umaga ay isinagawa ang ‘Feeding Program’ ng Agrarian Reform Middle Management Association o ARMMA ng Department of Agrarian Reform sa Barangay Payatas, Lungsod ng Quezon kaugnay pa rin ng Selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan.
Ang ARMMA ay binubuo ng mga Division Chief sa Kagawaran ng Repormang Agraryo. Sampu sa mga Division Chief na ito ang sama-samang nagpakain sa tinatayang 350 na mga bata ng lugaw, biskwit at juice sa mismong ‘covered court’ ng Barangay Hall sa Payatas B.
Sa totoo lamang Sir Tony ay hindi lamang Pangulo ng ARMMA si Bb. Ying Bonilla kundi sya rin ang Chairman and President ng DAR Employees Foundation, Inc. kung saan sa kasalukuyan ay maraming beses na rin silang nagkakaloob ng medical and dental mission, ‘feeding program’ at gift giving sa iba’t ibang panig sa bansa.
Sa kabilang banda, kasabay ginanap ang Feeding Program ng ARMMA DAR na pinangungunahan ng Pangulong si Violeta Bonilla sa Payata ay ginanap din ang World TB Day na may temang “Ako ang susugpo sa TB” sa pakikipagtulungan pa rin ng Quezon City Health Department at ng Research Institute of Tuberculosis (RIT), Japan Anti-Tuberculosis Association. Nagkaroon dito ng paligsahan ng tula kaugnay sa Tema ng World TB Day.
Samantala, kanina narinig ko po na tinanong nyo Sir Tony kung anu-anong barangay ang mga itinuturing na ‘hot spots’ dito sa Lungsod Quezon. Sir ang mga barangay ng Culiat, Sta. Monica, Novaliches, Roxas, San Antonio, Sauyo, Paltok, Capri at E. Rodriguez na nasa listahan ng PDEA bilang ‘hot spots’.
Anyway, Sir Tony sa ating pagbabalik “Ang patunay nang hindi pagkunsinti ni Mayor Bautista sa Ghost Employees sinulusyunan na” ang detalye mayamaya.
Para sa programang Alarma 558 at sa pangalan ng Liga ng Brodkaster sa Pilipinas kasama mo sa Kyusi Cathy Cruz Tatak RMN.