SA isang naganap na pagpupulong ng ehekutibo ng Lungsod Quezon kung saan tinalakay ang paghahanda sa kalamidad kabilang ang ahensya ng PAGASA, PHILVOCS, PRC at NDRRRC ay nag-utos si Mayor Bautista kay City Administrator Victor Edriga na kaagad alamin sa lalong madaling panahon ang mga loteng puwede pang mabili ng lungsod upang mapagtayuan ng Fire at Police Station maging ng mga parke upang matiyak umano ang mas mabuting serbisyo sa mga taga-kyusi.
Kabilang dito ang pagpapalawak ng Melchora Aquino Shrine upang gawin ito museum bilang pagkilala bilang ina ng Katipunan.
Kaugnay sa nasabing proyekto ay asahan umano ang paglilinis sa ‘sidewalk’ na kinalalagyan ng Shrine kung saan nauna nang nagkaroon ng pakikipag-usap sa mga may-ari ng establisyemento lalo na mga pagpapatanggal ng ilegal na istraktura sa lugar ng Tandang Sora patungo sa Visayas Avenue.