Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Pagsasabog tanim

 

Ang pagsasabog tanim ay isang mainam na paraan sa pagtatanim dahil hindi matrabaho at mas nakatitipid. Subalit may mga kailangang isaalang-alang upang maging matagumpay ito. Ang mabuting paghahanda ng lupa at ang pagiging pantay nito ay mahalaga bago magsabog tanim upang maging pantay din ang lalim ng tubig.

 

Magsabog lamang ng binhi kung nakababa na ang putik upang maiwasan ang paglubog ng mga ito. Hindi gaanong makakahinga at mahina ang pagtubo o baka mamatay lamang ang mga butil kung ang mga ito’y malulubog ng husto.

 

Pumili ng binhing angkop sa sabog tanim lalo na yung mabilis lumaki at magsuwi upang hindi ito kaaagad matalo ng damo. Gumamit ng ng 60 hanggang 80 kilong binhi para sa dry seeding at 40 hanggang 60 kilong binhi para sa wet seeding bawat ektarya upang makatipid sa binhi at maiwasan ang pagdapa ng palay. Ilan sa mga binhing maaaring gamitin ang NSIC Rc162H, NSIC Rc164H, NSIC Rc148, NSIC Rc150, NSIC Rc152, NSIC Rc154, NSIC Rc156, NSIC Rc158, at NSIC Rc160.

 

Mahalagang pagtuunan din ng pansin ang pamamahala sa daga, ibon at kuhol para makasigurong hindi mababawasan ang inyong tanim.

 

Ang tuyong binhing isinabog sa tuyong lupa ay sisibol lamang kapag umulan. Ang pinasibol na binhi ay ginagamit lamang sa basang lupa dahil siguradong may tubig at tuloy-tuloy ang paglaki nito.

 

Ang pagsasabog-tanim sa tuyong lupa ay maaaring gawin sa mayroong tudling man o wala. Maaari rin itong gawin sa pamamagitan ng drilling na ginagamitan ng tractor-drawn or animal drawn seed drillers. Ang dibbling ay ginagawa sa tuyong lupa at sa mga kaingin.

 

Upang masiguro ang pagtubo ng binhing isinabog-tanim sa tuyong lupa, kailangang takpan ito upang hindi agad matuyo. Maiiwasan pa itong kainin ng ibon, manok at iba pa.

 

Ang sabog-tanim sa basang lupa ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbobrodkast o kaya ay sa pamamagitan ng drumseeder.

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito sumangguni sa Philippine Rice Research Institute o PhilRice, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa telepono bilang (044) 456-0285 loc 217. Maaari ring itext ang inyong mga katanungan sa PhilRice text center. Itype ang REG/pangalan/edad/home address/email address kung meron at ang katanungan upang makapagregister at isend sa 0920-911-1398.-30- Maria Adrielle Solsoloy

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...