WALANG mapagsidlan ng katuwaan ang dalawang libong magsasaka ng Agusan Del Sur at Agusan Del Norte nang matanggap ang Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) kamakailan.
Hinati ang 760 ektaryang lupang sakahin sa 472 Agrarian Reform Beneficiaries (ARB’s) sa Las Nieves, Agusan Del Norte. Samantalang nasa 2,478 ektarya naman ang hinati sa 2,517 magsasaka sa Sibaga, Agusan Del Sur.
Hinimok naman ni DAR Regional Director Faisar Mambuay na sumailalim sa pagsasanay sa agricultural na ipinagkakaloob nila upang makatulong na maging produktibo ang kanilang lupang sinasaka.
Mapalad naman ang mga taga Katimalibon at Rosanim dahil sa Kasunduan sa pagitan nina Agusan Del Norte Gobernor Reinario Rosales at ng Del Monte & La Agusana Fruit International bilang magkatuwang sa kalakalan. Kasama ang ‘Multinational Corporations’ bilang tanging mamimili ng mga aanihing produkto ng mga magsasaka ng nasabing mga munisipyo.
Dagdag naman ni Mambuay na inaasahan niyang aangat na ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan dahil sa pagsasanib puwersa ng local na pamahalaan ng nasabing lalawigan, ng kanilang tanggapan at pribadong sector sa bansa.-30- Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila/DZXQ 1350 KhZ/DWAD 1098 KhZ