TINATAYANG nasa 36Milyong Piso ang ipinagawa ng DAR na may kabuuang 24,527 kilometer na ‘Farm-To-Market Road’ sa lalawigan ng Capiz.
Ayon kay DAR Regional Director Eliasem Castillo na ang ginagawang pagpapalaki ng kalsada at ‘re-paving’ sa mga bayan ng Cuarteros at Mambusao ay malaking kapakinabangan sa mga magsasaka at mangingisda gayundin ng mga residente ng 26 na barangay na dumadaan dito.
Ang pagkasira umano nito ay di lamang sa katagalan na rin kundi dahil sa mga nagdaang bagyo na puminsala sa kanilang lalawigan.
Dati-rati umano ay doble ang kinukunsumong oras ng mga mamamayan sa kanilang byahe na lubhang nakakaapekto sa marami nating magsasaka at mangingisda.
Subalit dahil sa matagumpay na pagtatapos ng mga ‘Farm-To-Market Roads’ ng DAR naging madali at maayos na ang pagbibyahe ng mga taga-Cuarteros at Mambusao na nagresulta ng mas marami at madalas ng pagbyahe ng mga sasakyan sa nasabing mga bayan.
Isang dahilan kung bakit naging lubos ang kagalakan ng mga magsasaka dahil magiging madalas na pagluluwas nila ng kanilang mga produktong agrikultural sa pamilihang bayan.