Ayon pa rin sa Gabay sa Wastong Nutrisyon para sa Pilipino ng FNRI-DOST, ang ikasiyam na gabay na nagsasaad na “Kumain ng malinis at ligtas na pagkain” ay pagpapabatid ng mga paraan kung paano maiiwasan ang mga sakit na nakukuha sa pagkain at ang iba’t-ibang pinanggagalingan ng kontaminasyon ng pagkain.
Ang food-borne disease o mga sakit na nakukuha sa pagkain ay resulta ng pagkonsumo ng mga pagkain na:
· galing sa hayop na may sakit bago pa ito katayin
· kontaminado ng mga organismo dala ng mga insekto, langaw, ipis o daga
· kontaminado dahil sa hindi ligtas at maayos na pamamaraan ng mga taong may kinalaman sa paghahanda at paghahain ng mga pagkain
· nagtataglay ng mga nakalalasong mga sangkap galing sa pagkain o naidagdag nang hindi sinasadya.