Feature Articles:

DOST suportado ang breastfeeding program sa bansa

Nilagdaan kamakailan ang Memorandum of Undesrtanding sa pagitan ng Department of Science and Technology sa pamamagitan ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD-DOST) at ng Children for Breastfeeding Inc. (CfB) ang malawakang pagsuporta at adbokasiya para sa natural na pagpapasuso sa mga sanggol.

            Pinasinayaan nina DOST Secretary Estrella F. Alabastro, Assistant Secretary Marilou P. Orijola, PCHRD Executive Director Jaime C. Montoya at CfB Founding President, Dr. Elvira L. Henares-Esguerra ang nasabing okasyon na ginanap sa Rizal Hall ng Malacañang.

            Bahagi ng kasunduan ang pagbibigay ng kaukulang pondo sa pananaliksik na kakatawan sa mga polisiya, programa at mga proyekto na sumusuporta sa adhikaing ito. Isa na rito ang mungkahing pag-inom ng Vigin Coconut Oil (VCO) upang mas palakasin ang anti-microbial na katangian ng gatas ng ina laban sa Methicillin-resistant Staphylococcus Aureus bacteria na nagdudulot ng mga sakit sa balat.

            Ayon kay Dr. Montoya, ang pagpapasuso ay napakainam sa mga sanggol maging sa mga ina kaysa sa artipisyal na gatas na nagmula sa hayop. Ito ay nakapagpapalakas ng immune system ng sanggol upang labanan ang mga sakit. Sa ganitong paraan, mabisa ring naililipat ang mga antibodies mula sa isang ina patungo sa sanggol.

            Ang breastfeeding ay isang pangdaigdigang rekomendasyon sa unang anim na buwan mula pagkapanganak ng sanggol tungo sa malusog na pangangatawan.

            Ito rin ay nakapagpapababa ng mga insidente ng pagkakaroon ng mga sakit gaya ng Type 2 Diabetes at ovarian cancer sa mga ina.

            Dagdag pa ni Dr. Montoya na ang mga artificial milk formula ay maaring makapagdulot ng asthma, sakit sa balat at marami pang iba sa mga bata. 

            Samantala, kaakibat ng malawakang breastfeeding program ay ang pagpapakilala sa mga katutubong pagkain na katuwang sa pagpuno ng kakulangan sa nutrisyon ng mga kabataan. Ayon sa presentasyon, ang mga pagkaing gaya ng kamote, malunggay, kasubha, himbabao, bulaklak ng saging, talbos ng kamote, aratilis, amti ng mga taga Norte, saging, okra, munggo at ang brown rice ay mayaman sa calcium na nakapagpapatibay ng buto.

            Ang mga nasabing uri ng pagkain ay hindi lamang masustansya ngunit ito rin ay ligtas sa mga kemikal, madaling itanim, at abot kaya ng bawat Pilipino.   

Ni Joy M. Lazcano

            Ang mga nasabing uri ng pagkain ay hindi lamang masustansya ngunit ito rin ay ligtas sa mga kemikal, madaling itanim, at abot kaya ng bawat Pilipino. -30-

Ni Joy M. Lazcano

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Boosting Immunity Through Nutrition: Expert Advice from Herbalife’s Dr. David Heber

As the Philippines enters another rainy season, a leading...

All Aboard for Magic: Disney Adventure Unveils First-Ever Retail Wonders at Sea

SINGAPORE — When the Disney Adventure sets sail from...

CCWI to Enforce Tougher Sanctions Under New Procurement Law Against Errant Contractors

Crimes Corruption Watch International (CCWI) has announced its intent...
spot_imgspot_img

OFW Families Cry Foul: Why were Gov’t Officials airlifted first when tensions between Israel and Iran escalated into full-scale bombings?

Concerns over the safety and welfare of overseas Filipino workers (OFWs) in the Middle East continue to grow– particularly after it was revealed that...

Marvel Heroes Set Sail: Disney Cruise Line and Marvel Comics Launch Exclusive Comic for Disney Adventure Voyages

Singapore — Superheroes are taking to the seas as Disney Cruise Line and Marvel Comics officially unveiled an exclusive comic book created especially for...

Boosting Immunity Through Nutrition: Expert Advice from Herbalife’s Dr. David Heber

As the Philippines enters another rainy season, a leading nutrition expert urges Filipinos to take control of their immune health—starting with their plates. Manila, Philippines...